Chapter 5: His Vow

4.6K 112 22
                                    

CHAPTER 5: HIS VOW

"Hello, Chloe. We meet again."

His voice.

"MAGKAKILALA KAYO, ATE?!" sigaw ni Joyce sakin dahil na din siguro sa malakas na tugtugan dito.

"HINDI."

"OO." sumabay na naman siya sakin na ikinunot ng noo ko. Sinungaling talaga!

"PA-PAANO?!"

I sighed. Walang saysay kung itatanggi ko pa.

"I met him in the hospital." bulong ko pero narinig din siguro ni Joyce. Malakas kong naaamoy ang pabango niya kaya alam kong malapit lang siya sakin.

"WOW! SMALL WORLD!" Naiimagine ko na siya na ngiting-ngiti habang nakapatong ang gilid ng kanyang baba sa kanyang nakalapat na mga kamay. Gawain niya yan sa tuwing namamangha siya sa isang bagay.

"Inamin din." rinig ko pang bulong nung bwiset na lalaking 'yon. Kahit sa malakas na tunog, nagiging sensitive at ang bilis pumick-up ng tenga ko kapag siya na ang nagsasalita.

"NAKAKATUWA NAMAN! OSIYA! LET'S PARTY!!!"

I lifted my hand and reached for her shoulder. Nang mahawakan ko na ito ay pinalapit ko siya sa akin.

"Upo muna ako ha? Mamaya na ako makikisabay sa inyo."

Pagkatapos nun ay giniya na niya ako sa may gilid at pinaupo sa malambot na kutson. My nose activates automatically to the stinging smell of the liquor na sa tingin ko'y nakapatong sa lamesang nasa harapan ko.

Unti-unti na din akong naiirita sa malalakas na kabog na nanggaling sa mga malalaking speakers. Alam kong malalaki ang speakers dito dahil in the first place, this is a bar, or should I say, nightclub.

Nung nawalan ako ng paningin, dumoble ang pagkasensitibo ng pandinig at pang-amoy ko. I don't know why. Siguro nakakaramdam din ang katawan. Alam nitong hindi na gumagana ang isang bahagi sa kanya kaya dodoblehin niya ang trabaho ng mga parteng mapapakinabangan pa.

"Ang lalim naman ng iniisip natin."

Nakaramdam ako ng pagbaba ng kutson sa may gilid ko dahil sa pagkakaupo niya.

Hay, eto na naman siya.

Hindi ko na lang siya pinansin.

"Sunget. Buti na lang-"

Hindi ko narinig yung mga sunod niyang sinabi dahil tinabunan na siya ng tugtugang naging mas malakas pa ata kesa sa dati. Hindi ko tuloy napigilan na magtakip ng kamay sa magkabilaang tenga. Wala naman si Joyce dito eh. Ayokong makita niya na hindi ako nag-eenjoy sa birthday niya.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon