Chapter 2: His Name

Magsimula sa umpisa
                                    

TAK. TAK. TAK

 

Nang marinig ko na ang ritmikong iyon, agad akong nakaramdam ng pagluwag ng hininga. Using my free hand, naglakad pa ako ng kaunti at kinapa ang pader sa may gilid, pababa.. hanggang sa makaramdam ako ng malamig na metal. Huminga ako ng maluwag at ibinaba ang sarili sa malamig na upuan.

Beautiful?! HAH! LIES! LIES! LIES!

 

Ayoko nang marinig ang salitang yan! ‘Cause once upon a time, kinapitan ko ang salitang iyan ngunit sa huli, ako din ang nawalan. Ako din ang naiwanan.

And by that, a memory automatically rushed through my mind. Kahit anong pigil kong isipin ang eksenang iyon, hindi pa rin ito nagpapigil. The painful memory of my past…

“C-carl, m-mabubulag na ako..”

Hinigpitan ko ang hawak ko sa t-shirt niya at doon humagulgol. Matapos ang kalahating buwan, ang akala naming eye trauma dahil sa aksidente ay isa na palang permanenteng pagkabulag. The doctor confirmed it. Pero hindi ako naniwala. A-alam kong may pag-asa pa. Alam kong makakakita pa ako!

I kept on tugging his shirt ngunit hindi man lang siya nagsasalita, tanging ang malalalim na paghinga niya lang ang naririnig ko.

“I don’t know anymore, Chloe.”

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa damit niya. A-anong sinasabi niya?! Hindi kita maintindihan, Carl!

Naramdaman ko ang pag-alis niya ng mga kamay ko sa damit niya. Bakit niya ginagawa sakin ito? Nung unang niyang nalaman na nawalan ako ng paningin, hindi siya nawala sa piling ko. Naniwala kasi kaming epekto lang ito ng aksidente ko.

Eye trauma caused by retinal detachment.

Ngunit ngayon.. ngayong nalaman naming dadalhin ko na ‘to habambuhay, like a curse that I’ll be forever carrying, unti-unting nawasak ang mundo ko. And now, the person I’ve known as my world will start to drift away from me. I can feel it..

“I can’t do this anymore, Chloe. I-I’m sorry.”

Kaya pala sa mga nakaraang linggo, ang lamig na niya sakin. Hindi na siya yung sweet at hyper na Carl ko. Yung lalaking bigla-bigla na lang ay hahalikan ako. Hindi na siya yung tumatawa sa simpleng pagbibiro ko. Wala na siya kapag kailangan ko. Lagi na lang siyang umaalis. Na parang iniiwasan na niya ako. Na parang napapagod na siya sakin, nagsasawa..

Hindi niya ba alam na dahil sa kanya, dahil sa gusto kong pagbigyan ang kahilingan niya kaya kahit walang patid na ulan ay sinuong ko na! Hindi niya ba alam na binuwis ko ang kaligtasan ko para lang sa kanya!

“Wag mong  gawin sakin ito,” Kinakapa ko ang harapan ko upang mahuli ang kahit maliit na tela mula sa damit niya ngunit wala akong nahawakan. “AKALA KO BA..A-AKALA KO.. NAAALALA KO PA YUNG SINABI MONG K-KAHIT PUMANGIT AKO, KAHIT ANONG MANGYARI SA ITSURA KO, MAMAHALIN MO AKO! ANO NA NGAYON, CARL! BAKIT? B-BAKIT MO GINAGAWA SAKIN ITO?!”

“Hindi mo naiintindihan!”

“Ano ang hindi ko maintindihan, Carl?!”

“I CAN’T LOVE SOMEONE LIKE YOU. HINDI KO KAYANG MAGMAHAL SA ISANG BULAG!”

The shattering pain, the crashing of hopes.. Nung mga panahong iyon, kulang na lang ay maglaslas ako at tapusin na ang buhay ko. Nawala na lahat sakin. Nawala na ang rason kung bakit ako nabubuhay. Siguro kung hindi sa mga magulang ko, baka dati pa ako nasa ilalim ng lupa.

Naging isa akong malaking tanga. Nakalimutan ko na may mga tao pa palang nagmamahal sakin at isa na dun ang mga magulang ko. How selfish and stupid I am to forget them?! Nabulag ako sa isipang si Carl ang rason kung bakit ako nabubuhay. Nakalimutan kong kung hindi sa mga magulang ko, hindi ako mabubuhay nung una pa lang.

Nakalimutan ko ding hiniram ko lang ang buhay ko sa Kanya. Bakit ko naisipang tapusin ang bagay na hiniram ko lang naman. Maswerte pa nga ako na nabubuhay pa ako.

Napagdesisyunan kong hilumin ang mga sugat ko. And I’m still in the process..

Sa pagpapahilom ko ng sugat, I unconsciously made a barrier encircling my heart. No, I will not prevent my heart from falling in love again. Hahayaan ko itong magmahal sa tamang panahon.

But now, I will not attach myself fully to whoever that person. Hindi ko ibibigay ng buong-buo ang pagmamahal ko so that when he decides to leave me because of my handicap, it will only hurt a little.

Mabilis kong bitawan ang isang tao. I learned to let go easily. Because I know that there’s only a very small chance or should I say a zero chance,  that I’ll met a guy who will accept me. Everything in me, even my handicap.


"Found you!" 

Napapitlag ako nang makarinig ng pamilyar na boses. Pano ko ba naman makakalimutan kung kanina ko lang narinig? Tinakasan ko pa nga eh pero wala din palang kwenta ang pag-alis ko. Ngayon, malalaman na niya na bulag ako o baka alam na niya? Halata ba sa paglalakad ko kanina?

I shrugged my thoughts away and turned my head in his direction. Sa direksyon kung saan ko narinig ang boses niya ngunit kadiliman pa din ang nakikita ko.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. His scent.. His intoxicating scent. May mga ganito palang amoy. Yung tipong maliliyo ka sa sobrang bango.

"You forgot something."

"Anu yun?" I whispered.

"My name.. I'm Martin."

Nagulat ako nung hinawakan niya ang pulsuhan ko at ang tanging naramdaman ko na lang ay ang pagkulong ng kamay niya sa kamay ko. Maingat niya itong inalog. I ignore that tingling feeling that seemed to travel from the center of my palm to the tips of my fingers as I held on his warm hands. Oh, I get it. Handshake..


"I'm-"

"-you're Chloe. I know."

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you for the unexpected supports! Salamat din sa mga taong naglagay ng story na ito sa mga reading list nila. Hindi ko talaga ineexpect na marami ang mag-aabang nito. Thank you, thank you very much!

Dedicated to one of my inspirations, @deezastre! <3

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon