"Naku huwag na ijo. Nakakahiya na naman." Mabilis niyang sagot.

"Kayo naman po, isipin niyo na lang po na pasasalamat ko ito sa paggamit ko ng bukal."

"Wala naman akong hinihiling na kapalit sa mga gumagamit ng bukal." Sabi niya habang patuloy sa paghila ng mga kahoy.

"Hindi naman po ata tama na hayaan ko lang po kayong mahirapan sa ginagawa niyo kung pwedeng-pwede naman po akong tumulong." Nang sabihin ko iyon napa taas na naman ang kanyang kilay. Mukhang hindi niya at nagustuhan ang sinabi ko.

"Minamaliit mo ba ang kakayahan ko ijo? Hindi porket matanda na ako ay palagi na lang akong mangangailangan ng tulong sa mga kabataang kagaya mo." Tumingin siya sa akin na parang sinusuri ako. At isang ngiti na naman ang nakita ko sa mukha niya. "Pero kung mapilit ka, sige pagbibigyan kita." Iniabot niya sa akin ang lubid na agad ko namang kinuha.

"Si Bullet na po ang bahala sa mga dala niyong kahoy." Itinali ko ang lubid sa leeg ni Bullet at hinayaang hilaain niya ito.

"Bullet? Bullet ang pangalan ng kabayo mo?" Tanong ng matanda. Napatango naman ako at sinabi ko ang dahilan ng pangalan niya. Nakakapagtaka lang na hindi man lang siya nagulat sa sinabi kong isang pegasus si Bullet at wala ng iba pang sinabi.

Merong makikitang daan sa gitna ng damuhan na malamang nabuo dahil sa ilang beses na paglalakad dito. Hindi na ako pamilyar sa mga nakikitang kong halaman at puno habang tumatagal ang aming paglalakd. Ito ang bahagi ng kagubatang na malamang hindi ko pa na puntahan.

Naging matahimik na siya sa paglalakad namin pero nung tinanong ko siya tungkol sa apo niya, bigla na lang lumaki ang ngiti niya sa labi. Masyado sigurong mahalaga ang apo niya sa kanya.

"Yung apo ko? Si Mario ay napakabait na bata. Alam mo bang napaka sinurin, magalang at higit sa lahat masipag. Malaki ang tulong niya sa akin at nagpapasalamat ako na ako ang nagpalaki sa kanya."

"Huwag niyo po sanang mamasamain pero gusto ko lang pong itanong kung bakit kayo po ang nangunguha ng mga kahoy. Nasaan na po ba ang asawa niyo?" Napahinto siya nang tanungin ko iyon at unti-unti kong nakitang nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Matagal ng pumanaw ang asawa ko at kung tatanungin mo naman kung nasaan ang mga magulang ni Mario, pagkasilang pa lang sakanya ay agad na siyang iniwan sa amin. Hindi ko alam kung ano pagkukulang namin ng asawa ko para iwan kami ng sarili naming anak." Lalo kong nakita ang pagkalungkot sa kanyang mga mata at hindi na rin ako nag-abalang magtanong pa.

Pagkalipas ng ilang minuto, natanaw na namin ang isang maliit na kubo.

"Narito na tayo," sabi ng matanda. Tumigil siya sa harap ng pintuan. "Pagpasensyahan mo itong tahanan namin, maliit lamang."

"Ayos lang po, maganda nga po itong lugar niyo, napakatahimik at payapa." Nakita ko ang ngiti sa labi ng matanda. "Saan ko po ba ilalagay itong mga kahoy?"

"Diyan na lamang sa gilid ng bahay. Pagkapasok mo diyan ay tumuloy ka para mabigyan kita ng maiinit na tsaa. Umiinom ka ba ng tsaa?"
Tanong niya sa akin.

Inilagay ko ang mga kahoy sa gilid ng bahay niya kasama pa ang umpok ng ibang kahoy. Siya lahat ang nag-ipon sa mga kahoy? Tango ang isinagot ko sakanya, hindi ako umiinom ng kape pero ang tsaa oo.

Agad na pumasok si Lola Rhea, at ilang minuto pagkatapos kong itali si Bullet pumasok na rin ako. Kagaya sa labas puro kahoy rin ang loob ng bahay, merong dalawang silid at isang maliit na kusina sa likod. Narinig ko inihahanda na niya ang tsaa.

"Sana magustuhan mo itong tsaang ginagawa ko, paborito rin ito ng aking apo." Sabi niya habang isinasalang ang takure sa apoy. Kahit na maliit lang ang kanyang bahay, maganda pa rin itong tignan dahil sa maayos na mga kagamitan at kalinisan nito. Presko rin sa loob dahil sa malalaking bintanang hinihayaang pumasok ang hangin. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na siya dala ang dalawang tasa ng maiinit na tsaa.

Pagkaabot niya sa akin, amoy bulaklak ito at parang pamilyar.

"Camellia," ngiti niyang sinabi, marahil napansin niyang nagustuhan ko ang amoy. "Napakabango diba? Ako mismo ang pumipitas ng bulaklak, pinapatuyo ko ito sa kasama ng ugat at dahon, pero kahit na ganon ay napapanatili pa rin nito ang halimuyak. Kaya nga ito ang paborito ko."

Napangiti na lang ako at naalala kong ito ang paboritong bulaklak ni Gaby.

"Maraming salamat po sa tsaa." Kahit na hindi ko pa natitikman panigurado akong masarap ito.

"Walang anuman, pasasalamat ko lang iyan at tinulungan mo ako, tikman mo na at paniguradong magugustuhan mo iyan." Anyaya niya sa akin.

Hinapin ko muna at ito bago humigop. Sakto lamang ang init nito ng tumama sa labi at dila ko. Pagkatapos kong gawin nakaramdama ako ng kakaibang init.


Nakatingin lang sa akin ngayon ang matanda, walang ekspresyon. Parang may mali. Bigla na lang tumawa ng napakalakas ang matanda at paulit-ulit niyang sinabi ang pangalan ko. Pagkatapos ay ngumiti.

Pamilyar ang boses niya! Huli ng malaman ko kung bakit.


CamelliaWhere stories live. Discover now