Ngumiti muna siya bago nagsalita, ngayon ko lang napansin na wala pang bawas sa mga ngipin niya at lahat ng ito ay kulay puti. Siguro noong bata pa siya ay maganda rin siya " Tawagin mo na lang akong Rhea, lola Rhea. Pasensya na talaga sa nasabi ko kanina." Muli siyang humingi ng tawad, tumango naman ako. Pagkatapos luminga siya sa loob ng bukal at nagsalita."Mukhang natuklasan mo tong bukal na ginawa ng asawa ko."

Nagulat ako nang marinig kong sabihin niya iyon, mukhang sakanila nga itong bukal at hindi man lang ako nagpapaalam kapag ginagamit ko ito.

"Pasensya na po kung ginamit ko ito ng walang paalam sa inyo." Sabi ko sakanya pero parang hindi niya iyon pinansin.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, bibihira lang naman ang may alam sa lugar na ito. Wala naman akong balak ipagdamot sa iba itong bukal. Hindi naman sa akin ang lupang ito, matagal na itong nakita ng asawa ko, inaayos lang niya ito para mas mapaganda ang bukal. At isa pa, may magandang dulot ito sa katawan. At huhulaan ko , hindi ito ang unang pagpunta mo rito diba?".

"Tama po kayo, nakakapagtaka lang po na ngayon ko lang po kayo nakita dahil noong bata ako, madalas po akong pumupunta dito para maligo." Sabi ko sakanya, hindi naman sa hindi ako naniniwala sakanya, pero maaari rin kasing hindi siya nagsasabi ng tao.

"Sadyang hindi lang siguro tayo nagkikita." Mabilis niyang sinabi. "Ilang taon ka na ba? Mukhang kaeded mo lang ang apo ko." Masaya niyang sinabi.

"Labing walong taon na po ako."

"Kaedad mo nga yung apo. Nag-aaral ka ba sa Grand Oak Academy?" Tanong niya sa akin.

"Opo." Sagot ko. Bigla na lang tumaas ang kilay niya nang marinig niya ang sagot ko.

"Hindi ba't may pasok kayo ngayon? Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka niyang sinabi. "Estudyante rin ng Academy ang apo ko, kaya alam ko."

"Pinagpahinga po ako ng school nurse ngayong araw. Naaksidente po ako kaya hindi niya pinayagang pumasok ngayon." Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling sa kanya. Siguro ayaw ko lang malaman niya ang totoo, baka isipian pa niyang mahilig ako sa away. Hanggang ngayon meron akong nararamdaman sakanya, parang pamilyar talaga siya. "Naisipan ko pong pumunta dito sa bukal para gumaan ang pakiramdam ko."

Napangiti siya ng marinig niya ang sagot ko.

"Maganda ang desisyon mo na pumunta rito, mabuti na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin. Buti na lang hindi niya inalam kung papaano ako naaksidente. Tumango naman ako at ngumiti.

"Mabuti naman at nakatulong ang bukal sa katawan mo, kung gusto mo pang mamahinga niyan, punta ka lang dito. Ibinibigay ko ang pahintulot ko. Pwede mo ng gamitin itong bukal kahit na anong oras." Sinabi niya sa akin ng malumanay at nakangiti.

"Kinagagalak kong makilala ka Echo." Sabi niya sa akin. "Mauuna na ako sayo at may gagawin pa ako." Paalam niya. Tumango naman ako.

Pinanood ko lang siya habang dahan-dahan siyang naglakad papalabas ng bukal. Kumaway muna siya sa akin, bago niya sinimulang hilaan uli ang mga tuyong kahoy.

Pinagiisapan ko kung tutulungan ko ba siya o hindi. Hindi naman siya humingi ng tulong pero siguradong kailangan niya iyon.

Tinignan ko ang sinag ng araw, maaga pa para umuwi at ayaw ko na rin naman ng lumublob pa sa bukal. Hinila ko si Bullet papalabas at sinundan si Lola Rhea. Hindi niya alam na sumusunod kami sakanya hanggat sa tawagin ko siya.

"Lola Rhea!" Agad naman siyang lumingon, isang matamis na ngiti na naman ang nakita ko sa kanya. "Tulungan ko na po kayo diyan." Alok ko.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon