Chapter Six: Misconception

18 4 0
                                    

Kapag nga naman gusto mong mag-update don pa may sagabal.

Update-update na me...

(*.*)

(") _ (")

LUNCH BREAK

Hindi ako nakapagsalita dahil sa seryoso ng mukha niya pero maganda din sigurong mang-asar ako.

"Faye, alam kong galit ka" -malvin

"Sobrang sobra!" galit na sagot ko

"Hindi ko naman sinasadya" -malvin

"Hindi ako naniniwala sayo"

"Maniwala ka, secreto lang naman sana yun" -Malvin

"Dapat lang na secreto lang yun!"

"Hinding hindi ko na uulitin! Pangako!"

"Tumutupad ka ba sa pangako?"

"Oo naman! Tatanggapin ko ang kahit ano, mapatawad mo lang ako"

Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito? Nang-aasar lang naman ako pero ang seryoso parin ng mukha niya.

"Ok, tama na, ang sagwa pakinggan. Para namang ako pa ang lumalabas na masama dito. Mabuti pa, kalimutan nalang natin yun" sagot ko

"Sure ka? Papatawarin mo na ako?" -Malvin

"parang ayaw mo ata"

"Gusto! Kung ok lang sayo, ok narin sakin yun!"

Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari ngayon, ano ba ang nagawa niya?

"Oo na nga diba?! Pero!" binulong ko sa kanya "sasamahan mo ako bukas, total tumutupad ka naman sa pangako diba?" at lumayo ako

Ok na rin yang naisip ko, kahit na hindi ko siya naiintindihan, at chance ko na rin to alam ko namang hindi ako papayagan ni papa na umalis ng bahay kapag wala akong kasama.

"Deal? or no deal?" tingin ko sa kanya (*_*)

"Ok, deal. saan tayo magkikita" -Malvin

Aba! Maamong aso!

"Don sa Benvoulin Park, 8 am sharp" sagot ko naman at umupo

"Napansin ko lang, bat hindi ka kumakain tuwing lunch?" -Malvin

"Dapat ba talagang itanong yan?" Pinikit ko ang mga mata ko

"Oo naman, dapat kumakain ka para hindi ka nagugutom. Tingnan mo nga, ang payat-payat mo" -Malvin

"Tumahimik ka! Matutulog lang ako kaya wag mo akong kakausapin" sagot ko

Tumahimik naman siya.

Hindi kami nagkibuan simula nong sinabi kong magpapasama ako sa sabado.

Bahala siya! Tingnan natin kung tumutupad ka ba talaga sa pangako.

Sa bahay, kumakain ng dinner

"Pa, pwede akong lumabas pag may kasama ako diba?" Tanong ko

"Oo pero dapat kilala ko yung kasama mo" -papa

"Bakit Faye, aalis ka ba? Pwede namang samahan kita kung gusto mo" -mama

"Wag na! Alam kong busy ka!" Sagot ko

"Aalis ka? Kailan?" -papa

"Bukas" tinapos ko na ang pagkain ko at hinugasan ang pinagkainan ko

"Sinong kasama mo? -papa

"Yung nagbabantay sa akin sa school, si Mr. Villanueva"

"Anong oras? Ipapahatid na kita" -mama

"Wag na, aanhin pa ang motorsiklo kung hindi naman gagamitin" sagot ko habang papunta ng kwarto

Sabado, ano bang dapat gawin? May maganda bang pasyalan dito? Ewan! Makatulog na nga.

Malvin's POV

Alam kong hindi niya ako mapapatawad sa ginawa ko. Kahit na hindi ko nasabi sa kanya ang mga nangyari, sa darating na panahon nalang ako magpapaliwanag.

Total gusto niyang umalis kami sa sabado, baka naman mapagbayaran ko ang mga kasalanan ko sa araw na iyon.

Sa Apartment

"Raven, aalis ka ba ng bahay bukas?" tanong ko

"Hindi, bakit? May date ka?" patawang sagot niya

"sinong may date? sino?" -Devin

"hindi date, magpapasyal lang" sagot ko

"sinong kasama mo?" -Ervin

"wala, ako lang"

"wala daw, sige ako na ang magbabantay ng bahay total may project din akong gagawin" -Raven

"salamat naman pinsan! Aalis din ba kayo?" sabay tingin ko kay Mervin, Ervin at Devin

"bawal sa mga bata ang pupuntahan ko kaya wag mo nang itanong Malv" sagot ni Devin

"kayo Ervin at Mervin? Saan kayo pupunta"

Hindi kumibo si ervin at pumasok sa kwarto niya

"May papasyalan lang din ako at hindi rin siguro ako makaka-uwi hanggang linggo kaya huwag na ninyo akong hintayin" -Mervin

"Ibang klaseng pasyal yan Mervin, ang tagal mo naman don" dagdag ni Devin

"kung anong sinabi ko, yun na yun" tumayo na siya at pumasok sa kwarto niya

Hindi na namin tinanong pa sila at natulog na rin, maaga pa akong gigising bukas.

Naglilihim din pala ang mga lalaki?

Matatagalan pa siguro bago ako maka-update ulit, sorry naman. Wala kasing may gustong gumawa non :( pero ok lang yan, if there's a will there's a way! Go! Go! Go! Spurs! :D

Mr. RightМесто, где живут истории. Откройте их для себя