Mr. Right {on hold}

406 5 5
                                    

Hello everyone! This is my first book and it's a little bit of tag-lish. Hope you like it! Share and enjoy! :)

INTRODUCTION

Kung mayaman ka, may pera din naman ako. Kung maganda ka, may itsura din naman ako. Kung may problema ka, wag mong kakalimutan, nandito lang ako. Paano kung ang babaeng minamahal mo ay sadyang bato ang puso at ayaw nang intindihin ang mga nararamdaman para sa iyo? Aalamin mo kaya ang kanyang mga nililihim? O hindi mo nalang ito pagbibigyan ng pansin.

Sophia Faye Rollheiser---SPOILED! Ako yan, kaya ako pinabalik dito sa pilipinas ay dahil sa isang aksidente. Kahit na labag sa kagustuhan ko, napilitan akong sumunod.

Malvin Kyle Villanueva---masipag mag-aral, average lang sa yaman, higit sa lahat matino kung magmahal.

Sabado ng umaga nuon, hindi ko alam kung bakit ang haba-haba ng traffic. Sa ilang oras kong paghihintay bumalik narin sa dati ang traffic, bigla ko nalang nakita ang mga pulis na may kausap na nakamotorsiklo at may pinapipirmahan.

“siya siguro yung nakamotor na kung magdrive ay parang hindi natatakot maaksidente” sa isip ko

“dapat lang na ma bigyan ng ticket ang taong yan...di purke ang ganda na ng sasakyan niya pwede na niyang angkinin ang kalsada” sagot na sabi ni manong driver

“chill lang manong, baka hindi taga rito yan” sagot ko

Tumingin ako ulit sa gilid ng kotse at nakita ko ang mahaba at ang ganda ng buhok nung nakamotorsiklo.

“BABAE!? Babae ba yon? Pero ang ganda...” laking gulat na bulong ko

“ano po? Sino po?” tanong ni manong

“a...maganda diba manong?” sagot ko

“yung nakamotorsiklo po?” tanong ni manong

“ang ganda talaga...” para bang ayaw ng ma-alis ng mga mata ko sa katitig sa kanya

“ano po ba kasi yung maganda?” –manong

“motor...” –ako

“yung motor po yung maganda?” –manong

“oo naman! Ang ganda kaya, kapag nagkapera ako, bibili ako ng ganyang motor!” –ako

“akala ko naman po kung ano na” -ako

Sa isip ko, hindi ko akalain na isang babae ang magmamaniho ng ganong sasakyan. O baka naman nagkakamali lang ang mata ko.

Bumaba na ako sa harap ng mall, dito kami magkikita ng mga katropa ko. Malapit na kasi ang pasokan kaya gala-gala muna kami, hindi natin alam kung anong mangyayari sa amin ngayong magfifirst year H.S. na kami kaya tambay dito tambay doon muna kami.

“chong! Ang tagal mo naman? May nangyari ba?” –kaibigan #1

Si Devin, magkaklase kami simula kinder hanggang ngayon. Kasabwat ko sa mga kalokohan, pinakamasayahin at naging “Crush ng bayan” sa paaralan namin.

“baka naman may nakita na yang maganda dito” –kaibigan #2

Si Mervin, para sa kanya laro lang ang pagmamahal. Bakit? Marami na kasing nanloko at nagpa-iyak sa kanya pero kung kailangan mo ng kasama sa mga party, siya ang maaasahan mong gagawa ng solusyon para dyan.

“wag kayong mag-aalala, makakahanap din yan...sa tamang panahon!” –kaibigan #3

Si Raven, barkada at pinsan ko. Supportive yan sa akin at kakampi ko sa lahat ng bagay, sa lahat talaga...kahit alam naming mali ang nagawa ko.

“pasensya na! Late na naman ako! Ang haba kaya ng traffic...” –kaibigan #4

Si Ervin, kung late ako mas late pa siya. Kung tungkol naman sa pera ang pag-uusapan, mapapahiram ka niya...siya ang pinakamayaman sa aming lima at siya rin ang nagsuggest na mag-enroll kami sa iisang paaralan.

Mr. RightWhere stories live. Discover now