Chapter Ten: The Fearsome Five

29 2 0
                                    

A very thank you very much to @Averlie for making a thread design for me :) She makes good thread designs so guyd if you neef one, just request to her.

Ito na...ito na...ito naaaaaah!!!

scooby doby doooooo

:P kumakanta lang...

Faye's POV

Pagpasok ko sa school gate,

Ano na naman ang nangyayari at ang iingay ng mga babaeng ito. Nung lumapit ako nakita ko sila Devin, Raven, Ervin, Mervin at Malvin.

"Ang gwagwapo talaga nila" sabi nung babae sa kaibigan niya

"Oo nga, sila ata ang dahilan kung bakit pumasok sa paaralang ito ang mga babae" dagdag nung isa

"Simula elementary marami na silang mga fans"

"Kahit anong year naiinlove sa kanila"

"Kaya nga sila tinawag na 'fearsome five', diba?"

May lumapit na first year sa kanila, "bakit po fearsome five?"

"Ang mga first years nga naman, hindi talaga sila kilala"

"Kaya sila tinatawag na 'fearsome five' ay dahil..."

"Unang-una sa lahat, ang Basketball Team Captain na si Devin de Guzman -half spanish, crush ng bayan nung elementary hanggang ngayon" dagdag nong babae

"Kapag may team captain dapat may vice din, si Raven Salazar ang vice captain ng basketball team. Makikita mo naman siguro na hindi yan pure filipino diba?"

"Wala kayo sa Vice President ng soccer team na si Mervin Hamilton, maraming nalilink sa kanya na babae. Mukha pa lang, matutunaw ka na"

"Kapag mukha ang pinag-uusapan dapat hindi niyo kinakalimutan ang president ng badminton club at ng SC na si Ervin Madrigal. Hindi lang siya may itsura may pera pa"

"Nako naman, hinding hindi mabobuo ang 'fearsome five' kung wala ang pinakamatalino, Vice President ng SC at always president ng homeroom nila na si Malvin Kyle Villanueva. Pogi na nga, may utak pa! San ka pa?!"

Tinitilian pala ng mga babae ang mga yan?!

Silang lima pala ang may dahilan kung bakit ang iingay ng mga babae ngayon.

Naglakad ako papuntang room, "Faye!" Tawag ni Devin sakin

Tumingin ng masama ang mga babae sakin

Nagmadali akong naglakad.

Hindi ko sila kilala, walang tumawag sakin

"hintay naman faye!" -mervin

Mas tumindi ang sama ng tingin ng mga babae sakin

Bakit pa kasi nila ako nakita!

"Bat ka nagmamadali faye?" -ervin

"Nagmamadali? Ako? Hindi a" sagot ko

"Tara na, nakalimutan niyo na ata na pupunta pa tayo sa office" -malvin

"Oo nga pala" -mervin

Nauna na akong pumasok sa room, pagpasok ko parang may hindi magandang aura ang nakapaligid sakin pero binaliwala ko lang.

Malapit na ako sa upuan ko ng biglang may humila sakin.

"Ikaw ba si Faye?" Tanong nung babae

"Kailangan ba talagang manghila pag magtatanong?" Sagot ko at binitawan niya ako

Mr. RightWhere stories live. Discover now