Special Chapter 1

Magsimula sa umpisa
                                    

Napaligiran na naman ako ng mga babae kaya napahiwalay ako kay Angel. Tss! Bakit ba kasi s'ya lang ang hindi tinatablan ng charms ko?

"Pa-picture tayo Silver!"

"Ang bango bango mo!"

"You're so cool! May girlfriend ka na ba? Pwedeng ako na lang?"

Peste talaga oo.

"Uhh...next time ko na lang sasagutin yang question. Medyo kailangan ko kasi ng hangin." Kunwaring naiinitan ako. "Now, if you'll excuse me, uupo muna 'ko."

Lumayo sila habang nag-aalala. Bakit ba ang oa nila?

Umupo na ko sa respective seat ko at tinitigan ko lang si Angel. Nakakainis eh! Hindi ko s'ya katabi!

Makaraan ang ilang minuto ay pumasok na ang teacher namin. Hindi uso sa'kin ang pakikinig kaya natulog na lang ako. Hindi naman ako mapapagalitan kasi malabo ang mata ng teacher namin tapos saktong nasa huling row pa 'ko.

----

Nagising ako dahil sa tunog ng bell. Recess na pala.

Buti naman wala yung mga babaeng nag-aabang sa'kin. Hinanap ko si Angel pero wala na pala s'ya. Nakalabas na siguro.

Lumabas na din ako ng room at sakto namang nakita ko si...

"Angel ng buhay ko!!!"

Tumingin s'ya sa'kin ng masama saka naglakad palayo. Tekteng 'yen. Lagi na lang ang sama ng tingin sa'kin niyon.

"Wait lang Angel!!!"

Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong may sumalubong sa kanyang lalaki. Inakbayan n'ya si Angel at sabay silang naglakad.

Sino yung mukhang bangaw na 'yun?!

Tumakbo ako at hinarang sila. Buti na lang wala ng masyadong tao dito sa hallway. "Hoy lalaking butiki! Bakit mo inaakbayan si Angel ko ha?!"

"Angel mo?" Kunot noo n'yang tanong.

  

"Oo! Angel ko 'yan kaya lumayo ka sa kanya kung ayaw mong masaktan!"

"Ano ba yan Silver! Tumigil ka nga!" Galit na sinabi ni Angel at ang sama talaga ng tingin n'ya.

"Hindi! Hindi ako titigil hangga't 'di s'ya lumalayo sa'yo!"

Nagsmirk si butiki at lumapit sa'kin. "Anong gagawin mo kung hindi ako lumayo sa kanya?"

Aba! Hinahamon n'ya ako? Oh sige ba! "Eto lang naman!!!" 

Ang Manyak kong AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon