Tumayo ako at kunwaring sinamaan s'ya ng tingin. "Mag-anak ka na din kasi!"

"Hmp!"

"Let's go baby. We need to pay for your toy."

He wiped his tears. "Okay!"

Pagkatapos naming mabayaran ang laruan ay naglibot pa kami sa kung saan-saan. Nang maglaro kami sa arcade ay naalala ko si Grey. There are times na naglaro din kami dito.

I miss him... I miss him so much..

"I'm hungwy mommy."

"You're hungry Silver?" Tumingin sa'kin si Mae nang may masayang expression. "So Lory, pano ba 'yan? Gutom na din ako at si Silver."

"Eto lang talaga ang pinakahinihintay mo eh noh?"

"Yup!" Nagsalute pa ang loka.

"Tss. Ano pa bang magagawa ko?"

"Yehey!!!"

"Para kang bata."

"Haha! Atleast maganda!"

Kumain lang kami sa greenwhich and after 1 hour, natapos din kami.

"Haay.. Busog na busog ako, thanks Lory! Sa uulitin ha!"

"Grabe ka. Naka-ilang extra rice ka ba?"

"Hmm.. Dalawa? Tatlo? Ewan ko."

Grabeng bulate yung nasa tiyan n'ya. "Anong klaseng nilalang kaya 'yang nasa tiyan mo noh?"

"You're so mean!" She pout! Feeling cute! Yuck!

"Mommy I'm full!" Pagsingit ni Silver.

"Buti naman baby. Tara na, punta tayo sa iba."

Bumili ulit kami ng kung anu-ano tulad ng damit, sapatos at mga gamit para sa bahay. And then, nanood kaming tatlo ng sine. Tuwang-tuwa si Silver kasi 'kung-fu panda' yung pinapanood namin. Pagkatapos ay lumabas na kami ng mall dahil gabi na. Nilagay ko na rin sa likod ng kotse ni Mae ang mga binili namin.

Pinaandar na ni Mae ang kotse. Nagulat ako nang bigla s'yang mag-iba ng daan.

"Mae, saan tayo pupunta?!"

"May magic show daw sa bayan eh. Manood muna tayo."

"Ano ka ba naman?! Pagod na 'ko atsaka pagod na rin si Silver." Tinuro ko pa ang anak ko na nasa tabi ko lang.

Ang Manyak kong AsawaDär berättelser lever. Upptäck nu