"Wala! Ubos na!"

"Damot."

"Haha." Tumingin ako sa anak ko na kasalukuyang tumatawa dahil sa pinapanood. "Oo nga pala Mae, samahan mo kami mamaya ni Silver."

"Saan?"

"Sa mall, nagpapabili kasi s'ya ng bagong laruan."

"Edi ibig sabihin kung pupunta ka sa mall, bibili ka rin ng pagkain?" Sabi nya with matching pataas-taas ng kilay.

"Oo na. Takaw mo talaga. Tumaba ka sana."

"Pasensiya ka pero sexy ako! Hahaha!" Oo nga eh nakakainis, kahit gaano s'ya kadami kumain, ang sexy pa rin n'ya.

Pagkatapos pa nang ilang kulitan namin ni Mae, naligo na ako pati na rin si Silver. Nagbihis na rin kami ng maayos para makapunta na kami sa mall.

Sa kotse ni Mae kami sumakay para tipid. Pagdating namin sa mall ay tuwang-tuwa si Silver.

"Mommy! Mommy! Let's go!!!" Hinihila n'ya ang damit ko habang tumatalon. Ang kulit talaga ng batang 'to.

"Ang kyut mo talaga! Tara na nga!" Nang maglakad na kami ay madaming nagtitinginan sa'min lalo na kay Silver.

"Ang cute ng bata!"

"Oo nga eh. Ang sarap iuwi!"

"Pwedeng mag-artista 'yan!"

Napapangiti na lang kami ni Mae dahil sa naririnig namin. Nandito na kami sa tapat ng toy kingdom nang biglang tumakbo si Silver sa loob.

"Baby teka lang!!!"

"Hala Lory! Habulin natin!"

Tumakbo din kami para sundan si Silver. Aish! Bakit ba kasi ang kulit ng mga bata?

"Lory, ayun s'ya oh!"

"Mommy! Ninang!" Tuwang-tuwa s'yang pinapakita sa:kin ang laruang robot.

Lumapit ako at hinawakan s'ya. "Baby naman. Wag kang hihiwalay sa mommy! Baka kung saan ka mapapunta!"

He pout and his eyes are getting blurry and watery. "I'm sowi mommy."

Ang cute n'ya talaga kahit umiiyak.

Lumuhod ako para maging kalevel n'ya and I hugged him. "Ssshh..don't cry baby. I'm sorry too for shouting. I love you."

"I love you too mommy."

"Edi ako na ang naiinggit!" Panira naman 'tong si Mae.

Ang Manyak kong AsawaWhere stories live. Discover now