"Saan mo pala nakuha yang pegasus mo?" Tanong ni Sir Ysmael.

"Mula po noong isinilang ako kasama ko na po si Bullet." Sagot ko.

"Bullet? Bullet ang pangalan niya?" Tanong niya.

"Opo. Bullet po kasi kasing bilis niya ang bala ng baril kapag lumipad." Pagmamalaki kong sinabi.

Nakita ko na naman ang ngiti sa kanyang mukha.

"Kung ganon, humanda kayong lahat dahil magkakaroon ng isang maliit na paligsahan!" Masaya niyang sinabi at halata sa kanya na medyo nasasabik siya.

"Pero itong unang gagawin natin ay para sa mga lalaki lamang. Magkakaroon tayo ng isang maliit na karera sa paglipad! Ang mga kalahok, syempre kayong mga estudyante ko, ikaw Angelico at Bullet ay lalaban kayo ng magkasama, alam kong hindi mo kayang lumipad kaya siya ang magiging pakpak mo." (Buti naman, akala ko nung narinig ko yung salitang karera, hindi na ako makakasama.) At ang panghuli, magiging kalaban niyo rin ako." Masaya niyang sinabi.

Mas magiging masaya ito dahil kasama ang isang Concrelus sa karera.

Nakita ko ang ngiti sa mukha ni Gerald at ng iba ko pang kaklase. Panahon na ito para magpasikat. Dito, kahit na papaano ay makabawi man lang ako.

Nagtagpo ang mga tingin namin ni Gerald. Kahit na hindi siya nagsalita, alam ko na kung ano ang gusto niyang ipahatid. Nag-unat siya ng mga kamay at pinaputok ang kanyang mga daliri. Mayabang. Maghintay ka lang mamaya.

"Alam ko na marami sa inyo ang may alinlangan, kung bakit ko pinahintulutang sumama si Mr. Summers. Una bahagi ito ng inyong pagsasanay, malaki ang maitutulong nito para kahit na papaano ay mapalakas kayo, at pangalawa, katulad ni Mr. Summers, pwede niyong gamitin ang inyong kapangyarihan para mas mapadali o mas mapabilis ang inyong paglipad. Pero, mahigpit kong ipinagbabawal ang paggamit ng inyong kapangyarihan upang ipatama sa inyong kalaban. Gusto ko ng malinis na kompetisyon. Malinaw ba yun?" Tanong niya.

Sumang-ayon naman kaming lahat.

"Mabuti. Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto para magunat-unat at ikondisyon ang inyong mga katawan, pagkatapos non, ay sisimulan na natin ang paligsahan." Pagkatapos niyang sabihin iyon, bigla na lang siyang naglakad papaalis.

"Galingan mo Echo." Ngiting sinabi sa akin ni Dawn.

"Salamat Dawn. Pero siguradong kami na ang mananalo." Pagmamayabang ko.

"Huwag kang masyadong kampante, baka nakakalimutan mo na kasama si Sir Ysmael at taglay pa niya ang elemento ng hangin, bukod pa roon, nariyan rin si Lester na kayang gayahin ang bilis ng paglipad ni Bullet, at tsaka, hindi pa natin alam kung ano ang kayang gawin ng iba nating kaklase." Seryoso niyang sinabi. Tama si Dawn, lahat ng sinabi niya. Napasimangot na lang ako.

Pero ilang minuto lang ay bumalik na ang ngiti sa mukha ni Dawn.

"Pero naniniwala ako sa kakayahan mo lalong lalo na kay Bullet." Habang hawak-hawak niya si Bullet. "Mapatunayan mo sana ngayon na karapat-dapat ang Bullet na pangalan para sa kanya." Ngiti niyang sinabi.

Parang lalo akong nabuhayan ng loob nung narinig kong sinabi niya yun. "Oras na para magpasikat ka, Echo." Nasabi ko sa sarili ko.

Isang ngiti na lang ibinigay ko sakanya. Kaya ko to.

Ilang sandali pagkatapos kong makipag-usap kay Dawn, bumalik na si Sir Ysmael at mukhang handa na rin siya. Lahat ng kasali ay lumabas na ng Battle Stadium.

Sa harap namin ang nakangiting at masayang-masaya Sir Ysmael.

"Masaya ako ngayon at magkakaroon tayo ng kauna-unahang paligsahan. Una, dahil hindi pa ito ang huli. Marami pa tayong pwedeng gawin. Pero ngayon, malalaman natin kung sino ang pinakamabilis sa paglipad. Handa na ba kayo?" Tanong niya, lahat naman kami ay sumagot ng 'oo'. "Pero bago iyon kailangan niyo munang malaman ang ruta. Mula sa academy lilipad kayo pababa sa Massadora hanggat sa mahawakan niyo ang bandila na nakasabit sa kanilang "Mansion" (lugar kung saan naroon ang sentro ng kanilang pamumuhay, kumbaga sa isang lugar ay ang kapital nito.) "Pagkatapos ay lilipad kayo pataas para makarating naman sa Skylark at hahawakan niyo rin ang bandila na nakasabit sa kanilang Mansion. Pagnagawa niyo na iyon, tsaka kayo babalik dito upang matapos na ang paligsahan. Simple lang diba? Pero huwag na huwag niyong isiping mandaya. Kaya ako umalis kanina para ipaalam sa mga opisyal ng Skylar at Massadora na magkakaroon tayo ng isang maliit na karera. Meron silang itinalagang opisyal para malaman kung susunod ba kayo talaga sa mga patakaran. Inuulit ko na pwede niyong gamitin ang inyong kapangyarihan basta huwag niyo lang itong gagamitin para makapanakit ng iba"

CamelliaWhere stories live. Discover now