"Tse!" Tumingin s'ya sa tiyan ko."Ang galing ng asawa mo Lory!" Saka s'ya tumingin kay Grey. Bigla naman akong namula sa sinabi ng nanay ko.

"Ah--eh--hehe." 'Yun na lang ang nasabi ni Grey.

"Hello apo. Palakas ka ha? Gusto ka na makita ni lola." Natawa lang ako sa kilos ni mama. Ang sarap sa feeling haha. Kahit pala papaano, magugustuhan ko din ang ugali n'ya.

"Where's Trisha?" If you remember, si Trisha ay yung weird kong kaibigan.

"Ah wala eh, nagbabakasyon sila sa France." Sagot ni Mae.

"Ah ganun ba?"

----

"Sige na iha. Kahit anong hilingin mo, ibibigay ko." Sabi sa'kin ni dad Lance (dad ni Grey). Nandito kami sa mansion n'ya kasi plano naming sabihin kay dad Lance ng personal na buntis ako. Pagkatapos naming sabihin, tuwang-tuwa s'ya at ngayon ay tinatanong n'ya kung ano daw ang gusto kong hilingin sa kanya. Bilang kapalit daw kasi 'yun ng pagpapasaya namin sa kanya.

"Ah--eh..wag na po. Wala naman po akong kailangan eh." Except na lang sa puso ni Grey, joke!

"Sige na, isipin mo na regalo ko na lang 'yun sa'yo." Haay ang kulit talaga ni dad.

"Ah wag na po talaga. Ayos lang po talaga ako." Pero mas makulit talaga ako.

"Iha parang awa mo na." Nagmamakaawang sinabi n'ya. Kahit na may katandaan ang edad nito, hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan.

"Ahh--eh." I give up. Pinaka-makulit na talaga si dad Lance. "Pwede po bang pagkain na lang? Naglilihi po kasi ako eh."

Lalong lumawak ang ngiti n'ya.

"Oo nga po dad. Marshmallows po ang gusto n'ya. Damihan n'yo na rin po dad. Pinaglilihian n'ya din po kasi ako eh. Para daw po akong marshmallows." Sabi ni Grey sabay akbay sa'kin. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Bakit kailangan n'ya pang sabihin 'yon? Nakakahiya tuloy sa dad n'ya.

"Talaga? Naglilihi ka sa asawa mo? Ang galing naman, pwede pala 'yun. O sige, ibibili kita ng marami. Ibat-ibang klase pa."

"Talaga po? Salamat po."

"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Isa kasi sa pangarap ko ang magkaroon ng mga apo." Aw, ang yaman-yaman ni dad pero gano'n lang kababaw ang pangarap n'ya. Ang galing naman.

Pero wait, did I just heard it right?! "M-mga apo po?"

"Yes iha. Kaya dapat pagkalabas pa lang ng una kong apo ay gumawa agad kayo ng isa pa ha?"

A-ano daaawww?

"Dad!" Sumbat ni Grey.

Tumawa lang ito. "Oh sige na. Ipapadeliver ko na lang sa mga tauhan ko yung marshmallows sa bahay n'yo."

Pagkatapos ng ilan pang kwentuhan, napagpasyahan naming umuwi.

Nagulat ako dahil pagpunta namin sa bahay, nandoon si mama.

"Ma, anong ginagawa mo dito?"

"Ah nandyan na pala kayo." Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo sa couch.

"Ano pong meron ma?" Tanong ko ulit.

"Ipapakilala ko sana sa'yo yung kinuha kong kasambahay n'yo."

"Kasambahay?" Anong sinasabi ni mama?

  

"Oo, para hindi ka na mag-abalang kumilos kasi buntis ka na."

Tsk, si mama kung anu-ano na naman ang ginagawa. Kumuha pa ng kasambahay! "Nag-abala ka pa ma, wag na lang."

"Sige na Lory?"

"Mama ayos lang naman ako eh. Magtutulungan na lang po kami ni Grey."

"Oo nga po mommy. Mas maganda po kung makakapagsolo kami sa bahay para alam n'yo na." Tingnan mo 'to, manyak talaga.

"Ay naku! Mas maganda na nga 'to."

"Ma.."

"Please?"

Bigla akong kinutuban na may hindi ako magugustuhang mangyari.

"Please ma, wag na lang po."

"Lory, para rin naman sa inyo 'to eh. Kung ang perang ipapasuweldo mo yung pinoproblema mo, ako na ang bahala doon."

Napabuntong hininga ako. Talagang gagawin n'ya lahat para lang masunod ang gusto n'ya. "Ano pa po bang magagawa ko?"

She smiled. "Buti naman pumayag ka na." Tumingin s'ya sa may bandang kwarto. "Oh sige na, lumabas ka na d'yan." I have this feeling na hindi ko talaga gusto 'tong gagawin ni mama and nagulat kami nang magpakita s'ya...

Teka, s'ya yung kinuha ni mama?!

"Malan?!" Sabay na sigaw namin ni Honey.

"Ako nga, kumusta na kayo?" She said with a meaningful smile.

------------------------------------

---> si Malan nasa side.

-LadyKazumi

Ang Manyak kong AsawaWhere stories live. Discover now