Fifty Seven

30.8K 599 69
                                    

SWEETEST KISS STEALER

~ Chapter Fifty Seven

Hindi ko alam kung ano pang dapat na maramdaman ko. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko. Pakiramdam ko sasabog na ako ano mang sandali.

Kase kung iisipin ko? Hindi na dapat ako lalong pinapahirapan ng ganito sa pamamagitan ng mga alaalang—magiging alaala na lang talaga habang buhay.

Muli kong pinagmasdan ang mga nasa paligid ko.

May parang mga kinikilig—may wala lang pakialam—may nagbubulungan.

Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa screen.

Pinakita yung mga pictures ko na panay stolen nung Party. Pati picture nya na kumakanta habang ako ang kasama nya sa stage.

'Napagalaman kong habang kumakanta ako..

Akala mo para sa ibang babae yun

Ng sinabi kong para yun sa babaeng special sa’kin...

Sisihin mo ulit yung mga chismosa mong kaibigan! :D

Nakita kong nagpeace sign sakin si Amber at Kriza. Nakakarami na sila. Mga traydor. Bakit tila natutuwa pa sila sa mga nangyayare ngayon?

'At dun naganap ang pagtatapat ko ng nararamdaman ko..

Alam mo naging mabilis lahat ..

Alam kong nabigla ka..

Pero hindi na rin kasi ko nagpadalos dalos pa.

Baka maunahan pa kase ko ng iba! :)'

Pinakita naman yung picture ng mga Elite na hawak yung mga papel na may WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

Silang mga kaibigan at ibang kaklase ko.

Parang nadudurog ang puso ko.

"Akala ko noon mababasted ako sa harap ng maraming tao..

Hindi kasi talaga ako marunong manligaw kaya minadali ko...

Girlfriend agad agad! Haha.

Pero alam mo ba?

Ako ang pinakamasayang lalaki sa mga oras na yun ng mag-YES ka! <3

Hindi mo lang alam pero sobrang proud ko nun kasi naging akin ka na..

Naging mabilis lahat pero sabi nga 'Got to believe this Magic di'ba?'

Ganoon ka-corny kapag nagiinlove..



Napangiti na lang ako ng kusa—kahit may pait sa likod ng ngiting yun.

"Alam ko marami tayong pinagdaanan pagkatapos non.

Masasayang alaala..

At sinubok tayo dahil sa pagkabunyag ng isang pustahan..

Na sa totoo lang eh totoo—pero hindi ko pinagsisihang dun nagsimula ang pagiging malapit ko sayo..

Pero nagpapasalamat ako na dahil don napalapit ako sayo..

Na natutunan mo rin akong gustuhin—na hindi kalaunan eh mahalin.. :)

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now