Forty Five

23.6K 491 17
                                    

NEW YEAR'S EVE

~ Chapter Forty Five .


"TEN! NINE! EIGHT! SEVEN! SIX! FIVE! FOUR! THREE! TWO! ONE!!"

Sabay sabay naming sigaw hudyat ng countdown.

"HAPPY NEW YEAR!!!!!"

Lahat kami may hawak na torotot at sunod sunod na pinatunog ito.

Ganun na rin ang nga kapitbahay namin,ibat ibang ingay na ang ginagawa.

Si Rin naman parang ewan na may hawak ng kaldero saka pinagpupukpok. Si Paul naman may parang wang wang na device na pinatunog.

Napapatawa na lang tuloy ako eh.

Ang cute nila tignan dahil parang hindi sila anak mayaman kung kumilos ngayon.

Nandito na rin kase kame ngayon sa labas,nakikiingay at nakikisabay na din sa lahat ng kapitbahay namin.

Sinindihan narin ni Gun yung fountain at kwitis naman kay Brix na tinutulungan ni Llide.

Kame naman nila Amber at Kriza lusis lang ang hawak  habang si Nanay nanunuod lang mula sa taas,mausok kaya dapat dun lang sya dahil uubuhin sya sa amoy ng mga pulbura.

"Hindi ko akalaing ganito pala magbagong taon sa ganitong lugar!" Sigaw ni Paul.

Halata naman na para silang mga ibong nakawala.

Parang mga batang akala mo ngayon lang nakapagpaputok.

"Ngayon ko lang to naranasan, ang saya pala!" Pasigaw din ni Kriza na may pagtalon pa.

Syempre sa mga village nga naman,may limit kase ang ingay at putukan.Sa ganitong lugar wala,paingayan talaga.

Talagang iba,masaya na as in masaya talaga.

"Iba talaga,kahit walang fireworks basta ganito kaingay okay na." Si Amber naman ang nagsalita.

Tama sya,siguro namimiss din nya yung dati nyang buhay.

"Woooooohhh! Happy New Year!!!" Nakita nalang naming yung mga lalake tatalon talon ng nagpapaputok kasama yung ibang kapitbahay namin.

Nakakatuwa silang tignan eh.

May ilang nagpapapicture pa sa kanila na kasing edaran din namin.

Kahit di na sila nalabas sa Tv kilala padin talaga sila ng karamihan eh.

Halatang halata din na ngayon lang talaga nila naranasang makisalamuha sa ganitongg klaseng mga tao at sa lugar na ganito.

"Ui tara!" Biglang lapit naman samin ni Rin at Llide."Dun tayo,kayla Ka—ano ngang pangalan tol?" Tinuro nya yung tapat bahay na may ilang nagvivideoke.

"Iza." Pagtatama ni Llide.

"Ayun! Kayla ka Iza! Magvivideoke! Masaya siguro pag mas madame"

"Sige tara!" Si Kriza kala mo batang excited na hinila narin si Amber at Rin.

Kame naman ni Llide parang kinalimutan na nila at iniwam na nila.

Silang lahat nasa tapat bahay na namin.

Si Paul nakikiihaw narin kasama yung isang babaeng anak ni Ka Iza na halatang kilig na kilig habang nakatitig sa kanya.

Hindi man lang ata napapansin ni Paul na may mahihimatay na dahil lang sa pagiisaw nya.

Si Kriza naman eh napansin kong nilibot ang tingin nya at parang may hinahanap.

Pero napatigil ang tingin nya sa pwesto ni Paul habang nagiihaw parin na pinapaypayan naman ng anak ni Ka Iza.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now