Fifty

27K 551 67
                                    

HARD REVELATION (2)

Chapter Fifty

~ NOVELENE GENEVIEVE (Point of View)



Alam ko nahihirapan ang kapatid ko at ayoko na sana madamay pa sya.


Pero ng malaman nyang ako ang nagaalalaga sa kanya ay agad syang pumunta dito. Palibhasa magaling magtyempo eh nakapuslit naman sa mga bantay.



Isa rin kase ako sa mga Black and White Strikers.



Pinamumunuan ng isang ganid na pinuno, mayaman at makapangyarihan.

Pero ako at ng kapatid ko ay hindi sang ayon sa isang plano na matagal na nilang iniisip. Ang pagkuha lamang sa kanya ang tanging paraan para kuno makaganti ito sa pamilya nito at ang paggamit at pagsira rin ng buhay ng kakambal nito ang tanging ginawang alas nito para sana sa totoong plano nya.

Gusto nitong unahin ni Coreen Sy Kit,ang kakambal nito kagaya sa pagsira ng buhay nya.

Pinaniwala si Coreen sa isang kasinunglingang kame lang ni Denver ang nakakaalam. Ang pinagtahi tahing kwento ni Master Wang ang syang lumason sa utak ni Coreen.

Ngunit lingid sa kaalaman ng matanda,habang lumalaki si Coreen at nagkakaisip ito,unti unti nyang sinusuri ang mga bagay bagay na pilit ipinapaniwala sa kanya.

Pitong taon na ang nakakaraan.

Sinadyang banggain ang batang Coreen na dapat sana ay si Colleen, di nila ito gustong mapatay bagkus ay gusto lang nila sanang ipalabas sa mga magulang nito na patay na ito para makaganti sila.

Ngunit saksi si Colleen sa nangyare sa kapatid,at syempre ang batang si Denver noon ,na nasa loob din ng van na ginamit upang banggain ang bata.

Hindi dapat sya kasama ngunit dahil sa anak sya o kame ng kasalukuyang pinuno noon na kasalukuyang nandon sa mga oras na yon ay kinuha na rin sya para isama ng di na madamay.

Ang panlilinlang ni Master Wang sa aming ama ang nagpahamak samin,buong akala ng ama namin ay ang Coreen na gagantihan nila ay ang anak ng mahigpit naming kalaban na isa ring malaking samahan ng mga gang.

Binalita agad nila sa magulang ng kambal na pupunta sila ng Cebu lulan ng isang barko pag hindi nila ito tinubos kapalit ang hinihingi nila. Basta pumunta lang ang mga ito sa naturang lugar na binanggit nila.

Ngunit ang di alam ng mga itoy nakahanda na lahat, nakahanda ng pasabugin ang isang lumang bodega na yun. Na pinagusapan nila kung nasaan mismo si Coreen na anak nila.

Isang nakakapangilabot na sigaw at iyakan ang narinig mula sa labas ng masunog na bodega.

Saksi ako at si Kuya sa lahat ng dahil sa CCTV sa labas habang kame ay nanunuod lang sa may hideout.Isang malademonyong tawa ang narinig namin mula kay Mr.Wang.

Hindi alam ng pamilya nila na wala sa loob ang bata,buhay si Coreen.

Nawalan sya ng alaala dahil sa aksidente . Pinaniwalang itinapon sya ng mga totoong magulang nya dahil ang mahal lang nito ay ang kakambal nyang si Colleen.

Pinaniwalang lahat ng sa kanya ay kinuha ng dalaga,na ang pamilya ng dalaga ang sumira sa buhay nya at ibigay sya sa mga walanghiyang humalay sa kanya.

Hindi rin naman alam ni Coreen na ang kinalakihang nyang ama ang nagutos sa mga yon para gawin yun sa kanya. Kaya simula noon sinumpa na nya ang sarili nyang pamilya kasama si Keith. Hinanda syang maging isang magaling na gangster princess para sa takdang oras ng kanilang paghihiganti.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now