Twenty Six

35.1K 847 30
                                    

DONT GO SO NEAR,YET NOT SO FAR..

~ Chapter Twenty Six

'Dont go so near..yet not so far.'

Kanina pa ko di mapakali.

Kanina pa ko nakatulala lang sa cellphone ko.


Ilang beses kong tinitigan yung cellphone ko at tinignan kung nasend ko ba talaga sa kanya.

Hanggang ngayon kase wala paring reply. Kelan ba talaga magkakaron ng seen sa text? Para naman alam ko kung nabasa lang nya tapos di lang sya nagreply.

Kasalanan mo kase to Keith. Bakit kase kailangan mo pang lumayo saken?

Pag iniisip ko talaga kung bakit ako nagkakaganito,napapaisip ako lalo kung nagugustuhan ko na nga ba yung babae na yun gaya ng sabi ng mga siraulo kong kaibagan.

Wala rin naman kase akong alam sa ganun ganun.Kelan ko lang nalaman na ganito pala yun.

Pero hindi ako sigurado,lalo na at mga siraulo ang nagpayo sakin tungkol sa ganung bagay.

Nung makita ko syang kasama si Denver at mukang masaya sila eh dun ko na naisip na gawin yung gusto nya. Di sa pumayag akong matalo pero mas maigi na sigurong sa iba sya maissue di sa kagaya kong paguusapan ng lahat ultimo siguro bagong bili kong sapatos.

Pero ang hirap isipin na ganun,di ko alam kung gusto ko na nga ba talaga sya o naiinis ako dahil parang hindi sya kagaya ng iba na halos magmakaawa makuha lang ang atensyon ko.

Tumunog naman yung cellphone ko kaya naunlock ko agad.

Nanginginig pa ang kamay ko dahil akala ko kanyang text ang marerecieve ko.

'Hello Babe! How are you? Kumaen kana? Nga pala,one of these days puntahan kita sa inyo para surprise,di ko sasabihin kung kelan! Hihi. ;))'

Si Wine lang pala. Anong surprise dun kung sinabe na nya? Tsk.

"Bat ganyan ang muka mo Tol? Hahaha! Na-WINE FEVER ba? Hindi KEITH FEVER?" F*ck you talaga Paul.

"Gago."

Nandito uli kame sa resthouse namin dito sa school. Lunch break na naman at ang gusto ko umuwe nalang.

Byernes ngayon so ibig sabihin bukas nalang ang huling punta nya sa bahay tapos sa lunes di nako makakapasok muna kase ihahatid ko na sa sunday sa Korea si Sheia.

Ilang araw ko rin syang di makikita.

Bakit nakakalungkot pag naiisip ko ang bagay na yun?

"Tol,pano pala yan? Halos isang linggo kang mawawala kaya wala ka twing practice?"Malamang kaya nga mawawala.

"Alam na alam na naman yan ni Llide Tol kaya okay lang yan."

Sana man lang pagbalik ko okay na kame.

Kailangan kOng gumawa ng paraan para di na sya lumayo. Kung kinakailangang sabihin ko sa lahat ng fans ko ma wag na ba silang mangialam gagawin ko.

Pero bakit nga ba ayoko syang lumayo?

Haist.Ang gulo ko na.

Dahil ba wala nakong aasarin? Iinisin?

"Huy!" Para naman akong natauhan sa pagtapik ni Paul sa balikat ko."Kanina pa kame salita ng salita pero wala kang ibang ginawa kundi kalikutin yang cellphone mo."

"Gotcha!" Sabay layo sakin ni Rin at naagaw na pala nya yung cellphone ko.

"Akin na yan!" Tatayo na sana ko pero pinigil naman ako agad ni Paul."Bitawan moko Paul. Gago ka Rin akin na yan!" Panira! Ang lakas din kase netong si Paul aba.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon