Thirty One

42.7K 785 34
                                    

OFFICIALLY YOURS

~ Chapter Thirty One



Akalain mo yun? Yung dating laging nagbabangayan,nagaasaran,nagsisigawan at nagkakalaitan eh IN A RELATIONSHIP na ngayon?

Haaay.Kame na ba talaga? Para kaseng ang bilis.

Ni wala akong idea kung pano ako magiging girlfriend sa kanya. O anong mga mangyayare ngayong may boyfriend na ko.

Ano ba talagang nararamdaman ko?

Oo masaya naman ako.Pero bakit may parte ng puso ko na..ewan.Basta,hindi ko maintindihan.

Ni sa hinagap hindi ko naisip na dadating kame ni Llide sa ganito.

Parang ang bilis ng mga nangyare at kung titignan ko sya ngayon? Parang ibang tao sya na sobra kung alalayan at parang alagang alaga ako.Parang hindi nga ako sanay eh.

Mas mabaet na sya ngayon.Hindi na sya nakapokerface at di na masunget ang muka nya.Hindi na rin mayabang ang dating nya sakin.

Feeling ko nga mas gwumapo sya sa paningin ko.

Ang wierd pala magkaboyfriend? Hehe.Kaya pala may nausong love is blind eh. Ngayon alam ko na kung bakit.

Masasabi ko namang masaya ako sa naging desisyon ko kahit andun yung takot at duda na baka may kapalit ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Kahit kaming dalawa lang ngayon ang magkasama pakiramdam ko ang dami pading nakatingin at napakadami paring nagbubulungan.

Natatakot ako.

Natatakot ako sa mga posibleng mangyare.

Naging mabilis lahat samen kaya natatakot akong maging mabilis din tong sayang nararamdaman ko ngayon.

Sa kaunaunahan ding pagkakataon di ako nagisip ng maraming beses para magdesisyon sa isang bagay na papasukin ko.

Puso ko na ang kusang pumili ng isinigot ko sa kanya kanina,sana naman di ako biguin nito.

"Pagdating natin sa bahay magpalit kana agad ha?" Nang sandals kaya?

Tumango nalang ako.

Medyo natatakot ako kase yung kanang kamay nya hawak yung kamay ko. Tapos yung kaliwa nya sa manobela. Sana naman talaga di kame mabangga,mukang ayaw kase pakawalan kamay ko eh.

Ganun pa man,napapangiti na lang ako.

Hindi ko maintidihan kung bakit ganitong klaseng epekto ang nararamdaman ko sa simpleng pagbawak lang nya ng kamay ko.

Pakiramdam ko kase ayaw na nya bitawan.At parang ganun din ang nararamdaman ko.

Ganito pala pag may boyfriend ka.

"Di parin ako makapaniwala."Iiling iiling lang syang nakangiti at tumingin ulet saken."Napikot moko tsk,tsk."

"Oy! Ako pa talaga hah?" Kung di lang sya nagmamaneho baka nabatukan ko na to eh.

"Alam mo natakot talaga ko kanina." Tinignan ko lang sya."Akala ko hi-hindi ka."Bigla namang nagseryoso ang muka nya.

"Ganon? Pero sobrang confident kapa nga."

"Para cool padin." Napailing nalang ako.

"Di parin ako makapaniwala." Inulit na naman eh.

Deretso lang ang tingin nya sa dinadaanan namin. Kasunuran din naman kame ng kotse nila Gun at nahuhuli kame sa kanila.

"I can't help it.Masyado akong masaya na akin ka na ngayon."Parang may kumiliti saken sa tono ng boses nya.

Bakit ganun? Sa simpleng pagkakasabe nya lang nun napangiti na nya ko agad.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now