Fifty Three

25.6K 526 10
                                    

REAL IDENTITY

Chapter Fifty Three

~ COLLEEN SY KEITH



Buti nalang talaga galos lang ang natamo ni Mommy,sisisihin ko talaga ang sarili ko kung may masamang nangyare sa kanya.

Haist.Karma nga naman..

Samantala,nabalitaan kong usap usapan yung post ko last saturday.

Hindi narin muna ako pumasok kanina kase kalalabas lang ni Mommy galing hospital. At ayoko naman sila iwan uli sa pagkakataong to.

Ngayon lang uli kami nagkasamasama na wala akong iniisip na babalikang lugar—kung saan iba ang pagkatao ko.

Nagbalik nako sa lugar kung san ako nararapat.

Sa lugar kung saan totoo ako.

Sapat ng paliwanag yung post ko para sa tanong ng iba.

Pero sa taong mahal ko kaya? Sapat na yun? Sa mga taong malalapit sakin? Mga kaibigan ko? Di kaya magalit o umiwas sila?

Sana naman hindi.

May isa pa nga pala kong problema at hindi ko alam kung ano na talagang gagawin ko.

Ang gulo na naman ng isip ko.

At sa tingin ko kailangan ko ng sabihin sa kanya ang tungkol don.

Masakit sakin yung gagawin ko,pero alam kong mas masasaktan ko sya.

Pero—parang hindi ko kaya.

Gusto ko pa syang makasama.

Hindi ko kayang iwan ko na lang sya ng basta basta.

Pero—pano ang pamilya ko?

Ang expectations sakin ng Daddy ko?

Pano ko pamumunuan ang eskwelahan namin kung ako mismo hindi marunong sumunod sa mas tingin ni Daddy na mas ikakabuti ko?Ng pamilya ko?

Ang gulo.

Litong lito na ko kung ano bang dapat gawin ko.


Pero marami nakong kasalanan sa magulang ko. Nakailang pagsuway nako sa kanila,panahon narin siguro para sumunod naman ako.

Panahon naman para di ko unahin ang pansarili kong kapakanan.

Tama—kahit alam kong parehas kaming masasaktan.

Sa gagawin ko alam kong masasaktan ko din sya ng husto.

Pero anong choice ko kung ang pagpili na sa pagitan ng pamilya at taong mahal ko ang pinaguusapan dito?

Mahal ko si Llide—mahal na mahal.

Pero mas mahal ko rin naman ang pamilya ko.

Alam kong ikakamatay ko ang desisyong gagawin ko pero mas ikakamatay kong habang buhay kamuhian at sisihin ng pamilya ko—ganon ko sila kamahal.

Nandito na uli ako sa dati kong kwarto.

Walang pinagbago pero halatang laging nililinis.

Umaasa daw sila Mommy na isang araw babalik ako, na di daw ako tatagal ng isang bwan sa naging buhay ko.

Pero nasaktan sila ng umabot ng isang bwan,isang taon,tapos tatlong taon pa ang pananatili ko sa lugar na iyon.

Bakit nga ba naging manhid ako ng ganon kahabang panahon? Na kung tutuusin pwede akong tumira kasama sila,tapos saka ako pumasok sa public school.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon