Twenty One

42.2K 831 18
                                    

WE MEET AGAIN.

~ Chapter Twenty One

Nakailang balikwas ako sa kama ko. Tumagilid ,tumihaya at dumapa pero di parin ako makatulog.

Sinabunutan ko pa yung buhok sa inis. Hindi talaga mawala sa isip ko yung nangyare kanina.

Di naman natuloy yung kiss na yun pero bat apektado ako?

Paulit ulit na nagreregister yung muka ni Llide sa utak ko habang papalapit sya ng papalapit at half inch nalang talaga ng biglang nagring yung phone nga nya.

Nakita ko pa nga na nagregister yung muka nung lagi nyang katext at tumatawag pero pinatay nya naman.

Kaya para kaming natauhan pagkatapos non. Shet lang talaga!

Ano bang nangyayare sakin?

Nasisiraan na rin ba ko ng ulo at hindi ko mabura bura yun sa utak ko?

"Keith.." Parang may yumogyog sakin.

"Uhh.." Nananiginip bako?

"Keith gising na,tanghali na oh."Luh?

Napakamot pako sa ulo ko habang unti unting minumulat yung mata ko. Nakita ko si Nanay na nakaupo sa kama ko at nakatingin lang saken.

Antok na antok pa talaga ko at gusto ko pang matulog.

"Ano na po bang oras na?" Nagunat pako ng braso ko pataas saka humikab.

"9 o'clock na."

"Ano hoh!?" Saka ako agad na bumangon at nagkusot ng mata."Nay bat di nyo ko agad na ginising malalate na ko ii."Mabilis naman akong tumayo at hinanap yung towel para makapaligo na ayoko pang magkaron ng absent kaya sana kahit imark nalang na half day eh.

"Hija,sabado ngayon." Natigilan naman ako.

Nasapo ko nalng yung ulo ko saka pabagsak ulit na humiga sa kama.

"Oo nga pala tsk."

"Ano bang nangyayare sayo? Simula ng umuwe ka kagabe parang hindi ka okay ah? At ano yan? Bat parang maga yang mata mo? Umiyak kaba hah?" Hinawakan ko naman yung kamay ko saka tumayo ulit at himarap sa salamin.

Nangangalumata ko at parang nagka-eyebugs. Oo umiyak nga din pala ko kagabe.

Dahil sa 'isa pang rason'.

"Tsk. Di po kase ko agad nakatulog kagabe Nay." Isa din naman rason yun talaga eh.

"At bakit naman?" Di ko pwedeng sabihin kay Nanay Luz saka isa pa masyadong nakakahiya.

"Ewan ko nga po Nay eh. " Haist,one lie again.

"Hm. Sige magayos ka na dyan at kumaen kana." Saka sya tumayo at lumabas na ng kwarto ko.

Antok na antok na talaga ko. Sa pagkakatanda ko ala una nako nakatulog eh tsk.

Mamaya nga palang 1Pm hanggang 3Pm eh andun na naman ako kayla Llide. Goodluck nalang talaga saken kung pano ko sya haharapin. Sa nangyare kase kagabe bigla nakong nailang sa kanya eh at di ko alam kung bakit.

Wala namang dahilan para mailang ako pero ewan ko ba. Hanggang ngayon kase di parin mawala sa isip ko yung pagmumuka nya. Haist.

Andito na naman nga ko sa harap ng gate nila at sakto pa na nakita ko si Llide at papalapit na nga.

Bigla nalang akong kinabahan at parang gusto ko na ulit bumalik samen.

Teka,ano bang gagawin ko? Ayt, napapraning na nga ata talaga ko.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now