Four

56.3K 1.1K 89
                                    

Stranger

~ Chapter Four



Ang init init talaga ng panahon at sasakay na naman ako ng jeep para pumasok. Sobra talaga akong binabanas sa uniform namin. Araw araw ko na itong magiging kalbaryo sa twing papasok ako ng HFA.


Alangang mageroplano ka Khei?

Pagkasakay ko ng jeep, napansin kong mga nakatingin yung mga ibang estudyanteng nasa harapan ko. Mukhang sa uniform ko sila nakatingin. Iniisip siguro na bakit galing ako sa squatters area o dun ako nakatira tapos sa HFA ako napasok at naco-commute lang ako.


"Kuya HFA lang po,estudyante." Malapit lang ako sa driver kaya ako na mismo yung nagabot nagabot ng bayad ko.

"Ilan ‘to?" Gusto ko sana barahin. Sampung piso lang yung bayad ko eh tapos magtatanong kung ilan? Kaso parang ang sama naman ng ugali ko pag ginawa ko  yun. "Ay sorry, sampu lang pala to." Napatawa pa rin sya ng marealize nya yung sinabi nya.


"Uy! Tignan nyo to! May bago na namang video ang Elite5!" Napalingon agad ako sa kaliwa ko ng marinig ko yun.


Kilig na kilig ang isang estudyante na parang first year highschool palang habang pinapakita yung phone nya sa dalawang kasama nya.



Video ng mga sumasayaw at kumakanta ang nahagip ng mata mata ko sa cellphone na hawak nila, pero kung mapatili sila ngayon sa loob ng jeep akala mo may nakasabay na artista.

Napailing na lang ako. Itong mga ito,kababata pa lang yan agad ang inaatupag, hindi muna magaral bago kiligin.


Naalala ko tuloy kahapon habang nasa kotse ako ni Kriza. Kahit hindi ako interesado ini-describe nya isa-isa ang ELITE na yan. As if namang interesado ako. Kaso ang ending, nakinig pa rin ako.

Si Collide o mas kilala na Llide ang pinakaleader daw nila sa grupo. Sya yung pinakamagaling na sumayaw sa kanila at pinakamagaling pa daw kumanta. Minsan serious type o pokerface lang daw talaga ang mukha nito pero malakas din mangasar. Sinabi pa nya na given na talagang maangas at simpatiko ang lalaking yun dahil may ipagyayabang naman daw.  Si Brix naman daw yung pinakatahimik sa kanila. Sa pagkakatanda ko, yun nga lang yung hindi tumawa at saka si Rin nung pinagtawanan ako nila Llide. Sya daw di umano yung pinakamatino sa kanilang lima at magalang daw lalo sa mga babae. Si Paul naman yung parang ala Rinrin lang na makulit at madaldal pero mas matured sya kesa kay Rin. Sa kanilang lima, si Rinrin daw ang pinakamatinik sa babae. Halos linggo linggo magpalit ng girlfriend. Habang si Gun naman,sya yung pinakaistrikto sa kanilang lima at pinakamatured na magisip. Matanda na kase sya ng isang taon kesa dun sa apat. Sya ang pinaka-mahilig daw magaral at pinakamatalino sa lima.At si Rain o Rin naman ang pinakamaingay at pinakamakulit sa lima. Sya itong napakaraming kalokohang alam. Medyo may toyo lang daw at wierd pero masarap kasama at palakaibigan. Hindi daw ito gasinong suplado kung ikukumpara sa apat na Elite.


At kagabo rin, may inisend na link sa akin si Kriza via Facebook chat. Yun pala naman, link ng fanpage nila. Wala naman akong natatandaang hininhi ko sa kanya yun. Wala naman akong balak at plano na i-stalk ang mga yun..nung una.



At doon ko lang napatunayan na sikat na sikat pala talaga sila lalo dito sa buong lalawigan ng Laguna.



Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Место, где живут истории. Откройте их для себя