Seven

53K 965 94
                                    

COLLIDE HYUN

Chapter Seven

~ Collide Hyun

(See Collide Hyun picture on the side)



"Gusto mo ba ‘ko?"


Tanong ko sa babaeng hindi naman talaga maganda para sa paningin ko nung una ko palang nakita. Ewan ko ba, pero naiinis ako sa exsistence nya dito sa HFA. Walang malinaw na eksplanasyon, basta ayaw ko sa kanya . Thats why I can't help but to treat her like this. She doesn't even knows proper hygiene. Poor one.


Naiinis ako sa itsura nya at pakiramdam ko parang ang sakit nya sa mata. Anong year na ngayon? Uso pa ba talaga ang mga manang at nerd na kagaya nya?

Kalat lang ang mga kagaya nya dito sa HFA. Hindi ata sya aware na dahil sa pormahan nya,marami ang mga kagaya kong hindi sya itatrato ng tama. Aminado na ako dun,naiinis lang talaga ako sa itsura nya.


Kanina nga, natripan ko na itago yung salamin at tali nya ng inalis nya ito mula sa kanya .Nakita ko yung mas malinaw na itsura ng mukha nya pagkapunta pa lang nya sa harap ng klase habang nagpapakilala.

At that moment, nasabi kong mas bagay sa kanya na walang suot na salamin at nakalugay lang ang buhok nya.




Nagmumukha syang tao.



Pero kahit anong sabi sa akin ng mga kagrupo ko na okay yung itsura nya, para sa‘kin kagaya lang din sya ng iba. Na kapag may nakilalang mga gwapong lalake o basta makakita ng gwapo, tumitiklop agad.

Hindi man lang umarte bilang babae. Kunwaring mga mahihinhin pero may tinatago ring landi. Sila mismo ang nagpapapakita ng motibo sa mga gwapong kagaya ko. May ibang kunwari pakipot o suplada pero yun pala sa loob loob eh gustong gusto ka na.

Ewan lang sa babaeng ‘to, for sure na masyado lang syang magaling magtago. Sonner or later lalabas din ang kulay nya. At hindi ko rin gugustuhin maging ayos ang pakikisama sa mga kagaya nya dahil para sa akin, hindi ko kailangang magbaitbaitan sa iba para magustuhan ako. Kung sa mukha ko pa nga lang kota na ako. Why would I bother to care their opinions about my attitude or the way I treated them?


GWAPO lang talaga ako. Given na yun.


Sila ang dapat makisama sa akin,hindi ako ang dapat makisama sa kanila. Ano sila? Sineswerte?



Nagulat na lang ako ng bigla syang tumawa ng malakas kahit nabilaukan na at lahat sa pagkaing pinabili ko para sa‘ming dalawa. Matuluyan sanang hindi mabilaukan at hindi makahinga. Kung makatawa akala mo maganda.


Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya at bakit sya tumawa eh wala naman akong sinabing nakakatawa.


"Anong klaseng tanong yan?" Painosenteng tanong nya.



Aamin karin.

Masyadong pakipot na babae. Well, I can't blame her, sa gwapo kong to?Malabo lang talaga mata nya kung sasabihin nyang hindi.



"Bakit hindi mo masagot? Sabi na nga ba eh". Mapagmalaki akong napatawa habang nakatingin sa kanya. Pero agad yung nawala ng ngumiti lang sya.

"Mahirap ako. Pero hindi ako cheap na babae na kikiligin at titili sa mga kagaya mo. Asa kapang magustuhan kita noh?" Ngumiti lang sya sakin habang sinasabi nya yun.




Napaawang na lang yung bibig ko.

Bakit sa nakikita ko parang hindi sya nagsisinungaling sa sagot nya?Masyadong genuine yung mga ngiti nya.


Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now