Forty Three

24.8K 597 25
                                    

SURPRISE

Chapter Forty Three

~ Collide Hyun's (Point of  View)


Wala naman sana kong balak sumbatan sya pero parang nakakahalata nako.

Minsan naiisip ko kung mahal nya ba talaga ako.

Ako nalang kase lagi anv gumagawa ng paraan para mas mapatibay yung relasyon naming dalawa. Ako ang nagawa ng paraan para makasama sya. Ako ang nagpaplano ng mga bagay bagay para maging masaya ang bawat dates namin.

Tapos lagi pang ako ang nagpaplano para sa future naming dalawa. At ang bottom line,ako lang kase ang bigay ng bigay—wala akong natatanggap kahit man lang sana konsidirasyon galing sa kanya.

Diba dapat ang babae ang ganun? Ang alam ko babae ang sentimental sa mga bagay bagay katulad ng pagiisip kung anong magiging future nyong dalawa.

Pero bakit ganon sya?

Okay lang sana kung sabihin nalang nyang busy sya kaya di sya makakatawag sakin o makakasama pero yung parang wala lang sa kanya? Para syang single na walang nagaalala.

Nakakairita!

Saka—nangako sya na sya ang tatawag sakin. Parang pinaasa nya ko sa wala.

"Oh tol? Bat ka busangot dyan?" Isa pang panira tong si Rin.

"Pwede ba wag mo lalong sirain yung araw ko." Bakit kase kame lang dalawa ang nandito sa resthouse dito sa school.

Sana man lang yung matinong kausap man lang natira dito eh.

"Ang sunget mo ngayon eh,nagtatanong lang. Ano ba kaseng problema?" Tsss. Kakausapin ko ba to?

"Wala kana dun."

"Grabe eh. Si Ms.Kool na naman ba? Ano kaba,tayo na nga lang nandito nahihiya kapa." Utot. Hiya pa daw eh. Sabihin kamo hindi naman sya matino kausap pano ko makakapagkwento.

"Nagaway na naman ba kayo o nagselos ka na naman? " Napatingin na ko sa kanya.

Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko diba?

"Tss. Si Keith kase,diko maintindihan."

"Bakit? Nagiintsik ba tol?" Sabe sa inyo maling eto ang kausapin ko.Pero pagtyagaan ko nalang ng mailabas ko lang ang inis ko.

"Wag kang magpakaabno kahit ngayon lang. Basta,kase parang wala lang sa kanya yung relasyon namin. Alam mo yung parang nagdududa ako kung mahal nya ba talaga ko?"

"Ano bang bagay na nakapagbigay sayo ng hint para sabihing di ka nya talaga mahal?" Well,mukang tao mode si Rin.

"Lagi kaseng ako yung nagawa ng paraan para nagkaron ng saysay rong relasyon namin. Nung sabado sabi nya tatawag daw sya pero hindi naman tumawag,hanggang linggo. Tapos ngayon parang wala lang sa kanya at di nya naalalang hindi nya ko naalala.Tol nangako kase sya eh,ako naman umasa. Ewan ko ba pero kinutuban lang ako."

"At inaway mo?" Tumango naman agad ako."Kung tutuusin mababaw yung dahilan ng pangaaway mo. Di ka muna nagtanong,dapat inalam mo muna yung dahilan o side nya. Malay mo may nangyare pala. Yung ibang mga babae malihim,kung di mo pipilitin alamin yung tinatago nila di sila magsasalita." Tama nga kaya si Rin?

"Pero ibang usapan yung makaramdam ka na parang sa relasyon nyo ikaw lang yung nagmamaneho. Ikaw yung lang yung piloto. Mahirap tantyahin kung ano ba talagang nararamdaman nya Tol, kung may lalaking hindi showy meron din kase sa mga babae. Meron talagang di ugali maging sweet o pede ring wala silang idea sa relasyon. Kilala mo si Ms.Kool tol,nerd sya. Wala syang paki dati sa mga ganyan ganyan. Alam mo dapat yun,ikaw din ang dapat umiintindi at nagpapaliwanag sa kanya ng lahat."

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now