Twenty Four

37.8K 738 23
                                    

GET AWAY FROM ME.

~ Chapter Twenty Four

Ginagawa ko kung ano ang salitang binitawan ko.Lumayo lang ako pero hindi kay Sheia at ayoko syang idamay dito. THURSDAY.Kaya ibigsabihin may posibilidad na wala sila sa bahay ngayon at pabor na rin saken yun.

"Im not his girlfriend." Bigla naman syang natulala,sa wakas nasa pinto na kame.

Kanina pa kase dada ng dada itong isang bagong maid pagkapasok ko pa lang ng gate.

Hindi agad ako makasinget dahil puro sabi sya na bagay daw kami ni Llide dahil sabe ng Nanay nyang mayordoma dito eh mabaet daw si Llide kahit minsan masungit ito.

Idol daw nya ang Elite. Kahit sang sites follower daw sya kaya alam ang issue namin ng boss nya.

Haynako. Kinakalimutan ko na pinapaalala pa.

"Eonni!" Patakbong lumapit si Sheia at kinarga ko naman sya. Hanep nabigat na talaga tong batang to."Kaen na po muna tayo." Pinisil ko naman sya sa ilong.

"Ang galing mo na magtagalog hah?"

"Of course, your the best tutor in the world Eonni."

"Sus binobola mo pa ko eh."

"Khei, nagluto ko ng pancakes para sa inyo ni Sheia." Singit naman ni? Ay ano nga bang pangalan nito.

Sabi ko kase sa kanya na Khei na lang itawag sakin imbis na Ms.Keith or Mam Keith.

"Yah, Dana's pancakes was the best pancakes ever Eonni. Lets go!"

Dana pala ang name nya.

Pagkatapos naman namin kumaen eh pumunta na kame sa kwarto ni Sheia.

Pinakita pa nya yung ibang nadrawing nya at ang kulet lang kase nakipaglaro muna bago pumayag na turuan ko sya.

Kaso may nangyari na di ko inaasahan habang nakikipaglaro ako sa kanya.

Parang nahirapan bigla si Sheia na huminga. Sa panic ko tinawag ko nalang si Dana at tinawag naman nya yung Yaya neto.

First time kong makita na nagkaganun sya. Na sumpungin sya sa mismong harapan ko. Bigla akong naawa sa kanya habang nakikita sya kung pano sya mamutla hqbang hawak ang dibdib nya.

Sinisisi ko tuloy yung sarili ko dahil baka napagod ko sya masyado. Kung nagkataong may mangyayare pang masama di ko na talaga mapapatawad yung sarili ko.

Gusto ko na talagang umiyak.

"Nasan si Sheia?" Biglang sulpot naman ni Llide sa may pinto at halatang alalang alala sya.

"Nakatulog lang agad sya Sir." Sagot ng Yaya ni Sheia na tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ng bata sa kama habang natutulog ng mahimbing.

Yes.Buti kumalma agad sya pagkainom lang agad ng tubig kaya di na napainom ng gamot.

"Ano ba kaseng nangyare?" Sabay lapit nya sa bata at hibaplos ang buhok nito.

Napatingin naman sakin yung Yaya ni Sheia ng tignan sya ni Llide. Kaya alam ko tinignan din nya ko at tumungo lang ako.

Nakakaguilty.

"Sorry." Galit kaya sya?

Haist,mamamatay kapatid nya sino bang hindi magagalit diba?

Mahal ko si Sheia at ayokong makita na nagkakaganon sya.

Gusto kong magpaliwanag na hindi ko sinasadya ang nangyare. Na hindi ko yun ginusto.Pero parang zipper ang bibig kong nanatili lang na nakasara.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now