One

126K 1.7K 91
                                    

DISCLAIMER: Nararapat pong basahin.


UNEDITED/CLASSIC VERSION. Iba pa po writing style ko dito kaysa sa ELITES kaya pasensya na. First story ko po kasi ito dito sa Wattpad. :) (Marami ng sumunod na completed pero binura ko na din, ito na lang natira) Marahil maraming flaws like grammatical, typographical errors at  'jeje' na pagkakataype dahil noon ko pa ito naisulat. This is my first story dito sa Wattpad. Pero hindi kayo magsisising basahin ito. :)


FB : MaybeYoung
Ig : Missyoung_myf
Fb Pag : Señorita Young





HOLY FAME ACADEMY




~ Colleen Sy Keith Vorja




"I am now here to prove something. To change everything. So be ready HFA, let's this EXPERIMENT begin.."



Palihim lang akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga new schoolmates kong nagsisidatingan sa parking lot para iparada ang ibat ibang klase nilang sasakyan. Hindi ko maipagkakailang  hindi ako nababagay sa lugar na 'to. Magagarang sasakyan, branded at mamahaling mga gamit, mga alahas at bagong modelo ng mga gadgets. Lahat ng yun wala ako.


Sumunod lang ako sa iilang estudyante na nauna sakin papunta sa gate para ipakita ata yung ID nila. Pero dahil bago palang ako dito at first day ko, wala pa ako nun dahil late akong napa-enroll.


Bakit nga ba late ako nagenroll? Pwedeng sinadya ko lang. Pwedeng trip ko lang. Pwede ring dahil yun ang kailangan.



Ilang saglit lang, nabigla na lang ako ng may biglang may sumulpot sa harapan ko na isang babae na parang kasing edad ko lang. Nabangga nya pa ako sa balikat ko pero di naman ganun kalakas yung impact nya saken.



"Ay! Sorry ha? Sorry, nagmamadali kasi ako. Okay kalang ba ha?" Humarap s’ya sa‘kin saka hinawakan ang braso ko.



"Okay lang ako." Saka ko s‘ya nginitian, mukha naman kasing hindi nya talaga intensyong banggain ako.


"Sure ka talaga huh? Sige ha? Sorry ulit." Saka s‘ya ngumiti sa‘kin at nagmadali na naman para dumeretso na papasok ng gate.




Tinapat lang nya yung ID nya dun sa left side nung isang lady guard at umilaw ng red light yung gitna nun. Sensor talaga ang gamit pang-detect nila ng ID dito at hindi naman yun lingid sa kaalaman ko. Dahil kung dadayo ka sa isang lugar, nararapat lang na may alam ka sa lugar na pupuntahan mo kahit papano. Sa mga klase ng taong makakasalamuha mo. Mahirap na maging bano at tanga  sa mga bagay o lugar na hindi mo nakasanayan.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now