Two

73.7K 1.4K 114
                                    


Elites (Complicated With A Kiss Stealer) add nyo na po agad sana sa library nyo ang Book 2 / #2 Series :) Paniguradong doon masasagot ang mga ibang katanungan nyo matapos ito. Mas maayos na pagkakasulat. Mas concrete plot. Mas madamdamin. Maraming twist. Maraming characters. Basta tapusin nyo lang 'to, hindi kayo magsisisi. Basta pasensya na po muna sa wrong grammars at typo. :)

Kung nagustuhan nyo man po ang CWAKS, please do post on your Facebook Timeline kung anong suggestions or sa tingin nyo sa kwento. Please use this #CWAKS para mabilis ko pong mahanap. Salamat! <3

°°°°°

ELITE 5

~ Chapter Two

Halos magparty party lahat bago magsilabasan ng classroom.May ibat ibang plano na agad sila kung saan pupunta.

May magshoshopping, kakaen daw sa bagong bukas na restaurant sa malapit at may ibang bar pa ata ang pupuntahan.Nakakapagtaka na at the very young age talaga nakakapasok sila sa ganun.

"Oh ikaw Khei? Di ka pa ba uuwe?" Napansin ata ni Kriza na nakaupo pa ako habang sya ay patayo na.Mukhang lalabas na rin para makauwi.


"Kriza pwede ba ko makahiram ng notebook mo? Uhm.. Hahabol ako sa ilang lesson na natackle nyo na, kopyahin ko na sana. Okay lang ba?" Pagkasabi ko non eh napaupo ulit sya sa upuan nya.

"Sure." Saka nya binuksan yung mukhang mamahaling bag nya at kinuha yung limang notebook nya na makakapal. Two subjects per notebook siguro 'to. "Magistay kapa dito no? Bakit hindi nalang sa bahay nyo?" Tanong pa nya.

"Uhm, maingay kase don, hindi ko maiintindihan at mapagaaralang mabuti ng maayos habang sinusulat ko. Squatters area eh, alam mo na?" Gusto ko kasi na habang sinusulat ko, naiintindihan ko at pinagaaralan ko na din.Iwas hassle yun para di na ako magpaulit ulit sa pagbabasa.

"Really?" Nanlaki naman agad ang mga mata mya sa sinabi ko. Halatang hindi makapaniwala. "But how can you afford..I mean-" Pinigilan ko na agad syang magsalita pa.

"Scholar ako, Kriza." Saka ako ngumiti sa kanya at kinuha na yung mga notebook nya saka ako nagsimulang tignan yon.

Hindi pala talaga nya napansin sa istura ko? Halatang halata naman ng iba, pero sya hindi pa nya napansin agad.

Nang tignan ko ang notebook nya, kaunti palang pala kaya mahahabol ko pa at madali ko lang matatapos kopyahin lahat ng ito.

Tumango lang naman sya at ngumiti lang ulit sa'kin.

"Samahan na muna kita dito, besides wala naman akong ibang gagawin samin eh. Sabihan ko nalang yung driver namin na maya na ako sunduin." Napatingin muli ako sa kanya.

"Sure ka?" Tumango naman sya agad.


May pagkindat pa nga.Kung lalaki lang talaga ko, maiinlove na ako sa babaeng to. Ang bait bait masyado at mukhang ang sweet na kaibigan.

"Salamat ha? " Pabor narin 'to sakin para hindi ako magisa.

Nagsimula narin akong magsulat at sya naman ay naglaro lang ulit sa ipod nya.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now