Fifty Five (Goodbye?)

27.7K 537 21
                                    

GOODBYE

~ Chapter Fifty Four.

(Play the multimedia while you're reading this)

Absent ako ngayon. Bukas friday na. Ang pinakakaabangan ng lahat pero ang araw na pinakaayaw kong dumating.

JS PROM slash ENGAGEMENT PARTY.

Ewan ko bakit kailangang umeksena na naman kame. Oo nga pala,ako nalang at sya.Yung mapapangasawa ko diumano. Isa rin syang tanga,may iba syang mahal pero sunod sunuran din ata sa utos ng magulang nya.

Lahat nagulat ng malamang hindi pala si Llide ang makakatuluyan ko. Lahat nabigla ng malamang wala na kami. Sayang lang yung ginawang fanpage ng mga fans nila Llide. COLLIDE talaga,syempre at andun na rin yung umpisa ng pangalan ko.Sinubaybayan na rin kase nila ang lovestory namin kahit di naman kami sikat na celebrity.

Lahat ng makakapagpaala ngayon kay Llide pinuntahan ko. Lahat ng pinuntahan namin noong kame pa binalikan ko. Eto na talaga yung katapusan ng kwento naming dalawa. At magbubukas na naman ang bagong kabanata.

Bagong kabanata kung saan di ko alam kung pano magsisimula.

Ilang araw na rin syang absent,wala akong balita sa kanya. Kahit si Sheia ayaw naring sagutin ang mga tawag ko via skype. Si Tita Amanda wala rin. Balita ko nasa Korea sila lahat maliban kay Xavier.

Mabuti narin yung para bukas hindi ko sya makita,hindi nya makita ang mga mangyayare. Mas masasaktan akong makita sya, pero sino rin kaya yung nakatakda ring ikasal sa kanya.

Maganda kaya yun? Siguro mayaman din. Baka mas mabaet at matalino. Baka hindi sila laging magsigawan sa una gaya ng simula namin.Baka maeffort yun at di hamak na sweet kesa sakin.

Sana lang gawin nya lahat kay Llide lahat ng diko nagawa. Lahat ng pagkukulang ko sana mapunan nya. Mas mahalin nya pa sana si Llide, mas pahalagahan at wag balewalain. Mga bagay na diko sa kanya nagawa.

Andito ko ngayon sa AE MALL. Naranasan kong makuyog dito ng minsang mag-mall show sila kasama dito. Nagalit pa nga yung ibang staff kase alam nilang kame ang mayarii neto. Pero syempre sabe ko wag nalang maingay.

Si Llide todo rescue naman non,nakakaguilty na iniwan nya ang ganong buhay para din sa relasyong naming dalawa tapos nauwi lang pala sa wala.

Minsan,magkasama kame habang pinapamili nya ko ng damet eh ayaw ko naman ng mga pinipili nya. Mga dress pero di naman daring o sexy,ayoko lang talaga ng mga taste nya. Nagtalo pa kame sa harap ng saleslady non na parang type sya kaya tinatarayan ako.

"Subukan mong landiin ang boyfriend ko,ipapatanggal kita dito."

Yun mismo yung sinabe ko saka parang natawa pa sya hanggang linapitan sya ng manager. Namutla matapos may binulong sa kanya saka sakin nagsorry.

Diko naman talaga sya ipapatanggal,pabiro lang dapat yon. Saka warning na taken na yung nilalandi nyang customer.

Naalala kong nagtalo din kame minsan dahil sa isang pangyayare na kinainis ko talaga. Nanganta kase kame dun sa live na videoke,bale sya lang pala talaga. Tapos nakilala sya nung mga fans,madaming nagpapicture at autograph.

Syempre bukod sa natabunan ako at naityapwera na eh di nako pinansin. Kaya yun iniwan ko kasama mga fans nya.Pero todo habol naman ng makita ako ng palayo na. Binili pa nya ko ng bago na namang teddy bear non para lang mapaamo ako tsk. Ginawa akong bata.

Ganun kass sya,lagi nagreregalo sakin.Punong puno na nga ang kwarto ko ng kung ano anong bagay na binibigay nya.Hindi ko naman birthday pero halos linggo linggo ata may binibigay sya.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now