Nine

43.9K 844 46
                                    

Sabay Ka Na

Chapter Ten

~ Colleen Sy Keith

Apat na araw na akong pumapasok dito sa HFA, pero pakiramdam ko wala pa akong natututunan. Bukod sa half day palang kasi lagi, masyadong madaming nangyare sa akin sa apat na araw na yon.

Nakakabagot na nakakabadtrip.

Bakit kailangang maging ganito kakomplikado?

"Khei? Kamusta detention kahapon?" Tinatanong pa talaga ni Kriza. Ano bang ginagawa pag nasa detention room?

Si Amber naman ay napapatawa pa, seryoso kaya para sa akin yun. First time in the history kong maranasan yun. At masakit yun sa part ko. Ang tino tino kong tao at wala akong masamang record sa dati kong pinapasukan. Tapos dito lang ako sa HFA pala makakaranas ng ganun?

Malalim na lang akong napabuga ng hangin. Siguro kailangan ko ng masanay. Wala na ako sa public school. Nandito na ako sa lugar kung saan tinatawag na Holy , pero marami ang malademonyo ang ugali.

Papunta kami ngayon sa cafeteria at medyo nasasanay na ako na pinagtitinginan pa rin ako. O baka naman itong mga kasama ko at nagaassume lang talaga ko?

"Ewan. Kasama si Llide eh. Malas di’ba?" Masyadong late na tugon ko sa kanila.

"Malas ba yun? Kung iba iba yung kahit araw-araw madetention basta sya ang kasama okay lang." Sabay pa silang napatawa.

"Siguro sa iba pabor pero sakin? Wew! Makita ko pa nga lang sya kumukulo na yung dugo ko eh." At naalala ko na naman yung ginawa nyang kabalastugan kahapon sa mukha ko.

Ayaw kong masira ang araw ko kaya ayaw ko ng alalahanin ng paulit ulit.

"Wala naman sya ngayon eh. Siguro naman mapapanatag na yang loob mo." Kriza. Sinulyapan nya lang ako at ngumiti ng pagkalaki.

Nabanggit nga nya na pag thursday, wala ang E5. And I admit, nang maraming ko yun ngalingali kong magpa-party. Hindi lang ngayon, kung hindi tuwing Thursday.

Hindi ko talaga makakalimutan yung ginawa nya sa‘kin kahapon na naikwento ko na rin sa dalawang ‘to. Imbis na panigan pa nga nila yung sumbong ko, tinawanan lang ako. Ang supportive nila masyado, nakakaiyak.

At kanina, nakapakinig ako ng ayos  kahit medyo makulit yung nasa kanan ko, si Denver. Pero atleast wala yung bakulaw na katabi ko sa kaliwa ko. Natahimik ang mundo ko.

Sana talaga lagi nalang ganun eh.Sana lagi nalang thursday. Sana araw araw wala sya. Kahit hindi na sana ang buong E5 eh, kahit sya na lang sana ang tuluyang maglaho sa paningin ko. Masaya na ko dun.

"Hi Khei!" Bahagya akong nagtaka ng batiin ako ng lalaking nakasalubong namin. Ngiting ngiti pa ito.

E? Hindi ko naman ‘to kilala ah.

"Ah—Hi." Pinansin ko nalang din kahit alanganin ako.

Sa patuloy na paglalakad namin may iilan pang bumati at nginitian ako kahit hindi ko naman talaga kakilala. Mga pamilyar lang ang mukha.

Ang wierd lang tuloy. Bakit maraming bumabati ata sakin ngayon?

"Hello Khei!" May mga magbabarkada pang bumati sa‘kin  ng sabay sabay habang magkakakbay. And infairness, may mga sinabi ang istura.

"Ah..hehe-hello din." Napahello na rin ako ng di oras saka ko sila sinuklian ng ngiti.

Ano bang nakakain ng mga taga HFA ngayon?

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now