Nineteen

38.3K 719 22
                                    

SHE'S BACK

Chapter Nineteen..

~ Colleen Sy Keith


Thursday ngayon at dahil nga wala ang ELITE5 na yan siguro naman walang sisira ng araw ko.

Deretso nalang uli ako sa locker ko para kunin yung isang notebook ko na iniwan ko kahapon.

"Oh? Ang ganda naman ng unang umaga ko. Nakita ko agad yung sumira ng image ko." May nagsalita sa likuran ko pero mukang nagkekwentuhan sila ng mga kasama nya kaya di ko na pinansin.

"Alam mo ba,close na yan sa mga Elite?" Sabe nung isa.

"Ah talaga? Haha! Di na yun katakataka. Because she's a pathetic girl with no family name.Lalapit talaga sya sa mga sikat para makilala din sya. Nakakaawa talaga." Pamilyar yung tawa nya.

At Elite pa sabe nya? Ako ba yung tinutukoy nila?

"Tama ka dyan. May isa pa nga,si Denver nilalandi din ata nya." May isang boses pakong narinig.

This time may idea nako kung sino tong mga to. Nagbalik na ng pala sya.

"Hahaha. Hayaan nyo lang. Isang araw matatauhan din yang nagkamali sya ng school na pinasukan.Matatauhan din sya sa pangagarap nya For now,let her to dream on.Just to DREAM ON." Narinig ko nalang na lumakad na sila palayo.

Sinara ko na yung locker at tumingin sa tatlong papalayo na yun. Si Tracee nga,malaki parin talaga inis nya saken.Akala ko magbabago na sya pagbalik nya,lalala pa pala.

Nasan na kaya si Kriza? Di ko sya nakita sa flag ceremony kanina.

Bigla namang nagring ang bell kaya ibigsabihin start na ng klase. Kaya nagmadali na rin akong pumunta sa room at naabutan ko naman dun si Kriza.

"Bat wala ka knina sa FC?" Tanong ko agad sa kanya.

"May ginawa kase ko sa library eh,yung homework kase natin di ko nagawa kagabe." Bat parang malat sya tapos medyo maga yung mata nya.

"May sakit kaba?" Pero umiwas lang sya ng tingin.

"Wala ah. Bakit? " Mukang umiyak sya kagabe ano kayang dahilan?

May tinatago sya.I feel strange sa mga tingin palang nya sakin ngayon.

"Goodmorning Class." Bigla namang dumating na si Ms.Hanna kaya di na sya nakasagot saken.

"Ms.Tracee valdez,welcome back." Nakita nya talaga agad si Tracee eh pero tumingin lang to sa kanya."Hm? Keith okay na ba yung isang scene nyo ni Llide?" Hala. Ano bang dapat kong isagot eh di naman kase namin pinapractice yun?

"Ah hehe. Okay naman po Mam." Nagsinungaling na naman ako.

"Buti naman." Saka sya nagsimula ng magturo.

"Khei."

"Uh? Bakit?" Si Denver nabulong na naman eh.

"Pwede ba sumabay nalang ako mamaya sa inyo ni Kriza ng breaktime ? Wala kase si Renz kaya wala akong kasabay." Uhm? Okay lang kaya kayla Amber?

"Ah. Oh sige." Kawawa naman sya kung magisa lang syang kakaen mamaya eh. Si Renz kase yung madalas nyang nakakasama sa table pero mukang absent ata.

"Sige ha? Thanks." Saka nya ulit ako nginitian.

Umiwas nalang uli ako ng tingin sa kanya,nakikita ko na naman kase yung dimples nya haist.

**

Breaktime.



"Okay lang ba na sumabay ako sa inyo?" Nakatayo sa harap namin si Denver dala yung tray. Nauna na kase kame ni Kriza magpunta dito sa cafeteria eh.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon