Ten

42.7K 919 83
                                    

HERO

~ Chapter Ten





"Hi Manang Diri!"


Speaking of the bakulaw.



Pumasok na sya ngayon, sira na agad ang araw ko. Gusto ko ng lumipad papuntang pluto. Buti dun wala akong bakulaw na makikita kagaya nya.

Konting tiis lang talaga Khei at magsasawa din sya ng pangaasar sayo. Huwag mo na lang sya tignan o pansinin baka lalong masira ang araw mo.



Kaya ayun, hindi ko na nga lang talaga sya pinansin at kunwari nagbabasa nalang ako ng libro. Bahala sya magsalita magisa. Ayaw kong ma-highblood ngayong araw na to. Gusto ko goodvibes lang, nakakapagod makipagtalo.



"Hey, bukas Khei ha?" Mahina lang akong siniko ni Denver kaya napunta na ang atensyon ko sa kanya.


Magiliw syang ngumiti kaya wala na naman tuloy syang mata.



Nagpapacute ata ang isang to eh.


"Sige." Tipid na sagot ko at tipid ring ngumiti.


"Pag iba pinapansin mo." Agad akong lumingon sa kaliwa at tinignan lang nya ko na akala mo batang nagtatampo.



Napangiwi na lang ako sa itsura nya. Hindi bagay. Akala nya ata kina-cute nya.


Saka anong arte nya ngayon?



Ano na naman bang trip nya?




"Pwede ba Mr.Yabanget, kahit ngayon lang wag mo sirain yung araw ko. Hindi na ‘ko natutuwa sa sayo." Sabay ismid ko sa kanya at nagayos na ng upo.



"Yabanget?" Takang tanong nya habang magkasalubong ang kilay.




Ang slow naman ng unggoy na to aba!


"Mayabang na panget. Ah, teka." Sinenyasan ko ng hand gesture na ‘stop’. "Huwag ka na magsalita okay? Dagdag ka lang sa pollutions eh."


Bigla biglang natransform sa sunget face yung mukha nya. Bumalik sa dating istura. Ayan, di mas bagay. Mas panget.



"Ako pa talaga? Eh ikaw nga nagmumuta pa eh." Bigla akong naalarma sa sinabi nya.


Bwiset, hindi nga?


Putzpa. Nakakahiya! Nakikinig pa man din ang ibang mga kaklase namin sa asaran namin. Tapos lalo na si Denver. Nahihiya tuloy akong mapalingon sa kanya.


Kainis talaga! Parang bata tong si Llide!





"LLIIIIIIIIIIDDDDDE!" Sigaw ko sa kanya habang pinanlilisikan sya ng mata.


Kung pwede lang sana syang mahimatay sa masamang tingin  eh!




Buti nalang talaga wala pang klase at late si Ms.Hanna. Kase kahit buong room papasabugin ko na talaga sa inis sa kanya. Hindi na nya talaga ako tinantanan! Nakakairita!




“HAHAHA! Huwag mo ko hahamunin ng asaran Manang okay? Wala kang panama sa’kin.” mayabang na banggit nya habang tatawatawa. May pagtaaa pa ng paa habang naka-cross ang mga braso sa dibdib nya. Cool na sya nyan!?




Of all people bakit sya pa kasi ang nakatabi ko? Ganun ba talaga kaunti ang estudyante sa room na to!?



Saglit ko ulit syang sinamaan ng tingin bago muling magfocus sa ginagawa ko. Wait, wala nga pala akong ginagawa. Nagmamatyag lang ako.




Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now