Eleven

47.4K 913 118
                                    

WEIRD

Chapter Eleven.





~ Third Person's Pov:


Dali dali lang ang tatlong lalake sa pagalis sa pinangyarihan ng lahat.Iniinda ang tinamo nilang kanya kanyang sakit sa katawan.

Yung isa eh ang kagat sa kamay at sa down there nya na tinuhod lang ni Keith. Yung isa naman ay pinapatunog pa yung panga nya at sa tingin nya baka magpasa ang suntok sa muka nya.Yun ang tanging iniiwasan nilang mangyare,ang magkaron ng ebidensya at mapaghinalaan sila. Habang yung isa naman eh nakahawak lang sa tyan nya at dinadaing yung suntok na natamo nya doon.

"Tinotoo.Walangya."Sabe nung isang nakabonnet parin hanggang ngayon.

Sa muka sya talagang nasuntok.

"Hayaan mo na,para din sa kanila to." Sagot nung nakagat sa kamay.

"Bakit? Ano ba talagang plano nyo? Akala ko ba para sa kanya lang? Na tinutulungan lang natin sya?"Sabat naman nung sa tyan nasuntok.

"Di nyo pa ba nagegets? At isa pa yung lalaking yon ,hindi ba sya nagtataka kung bakit tayo pumayag sa gusto nya ?Di nya naisip na parang tayo din ang gagawa ng paraan para manalo sya.Pero di naman talaga yun ang dapat isaalang alang natin. Kailangang magkalapit ang dalawa." Yung natuhod.

"Pero bakit sya? Ang dami naman dyang iba diba?"

Masyadong nakakatakot ang nga ngiting isinagot sa kanya nito.

"Simple lang.. kase BAGAY SILA. Boplaks lang talaga ng isang yun. Sa tingin ko magiging masaya to at alam kong papanindigan nya to. Pero hanggang kelan kaya?"  Tapos iiling iling lang yung dalawa.

"Sa tingin ko mananalo sya. Kahit wala tayong gawin,mananalo sya."

"Kahit manalo sya, ang tanong sa tingin nyo ba hindi rin sya mabibitag sa sarili nya ring bitag? Sa bandang huli,malalaman natin lahat ng kakalabasan." 

Halatang sigurado sya na magkakatotoo lahat ng sinasabe nya. Sa plano ny.. hindi ng mga kasama nya ngayon.

Lingid sa kaalaman ng dalawang kasama,lihim na agenda ang nabuong rason kung bakit nya ito ginagawa.

Magkaibang layunin,magkaibang dahilan.

Hindi para sa kalokohan.

"Kilala kita Coleen Sy Keith /#/-!:+sklxnnsuy*-- " Pahabol na bulong pa nya sa sarili saka ngumiti ng palihim.










~ Colleen Sy Keith



Para daw makasigurado syang ligtas akong makakauwe eh hinatid na nya ko dito sa bahay.

Ang pilit lang kase talaga nya kahit nagaalala na rin ako kase nga nabugbog nat lahat gusto pa magmaneho para ihatid ako imbis na magpahinga na sya.


Andito na kame ngayon sa bahay at inasikaso naman agad ni Nanay yung yelo saka binalot sa tela para igamot ko sa pasa ng lalakeng to.

"Aray." Inurong pa nya yung muka nya habang dinadampian ko."Dahan dahan lang." Saka ko ulit dinampi yung yelo malapit sa labi nya.

Nakakainggit talaga yung labi ng lalaking to.Perfect shape at ang nipis pa.

"Hija,labas muna ako. Bili ang ako ng makakaen. At ikaw Llide? Dito ka na maghapunan ha? Magluluto ako ng masarap wag ka magalala."

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now