Twelve

47.7K 936 123
                                    

FRIENDLY DATE?

~ Chapter Twelve


Nasa harap na kame ng kotse ni Llide dito sa labasan at pasado 9 o'clock na rin ng gabe.

Nagpahatid pa dito kase natatakot daw sya baka mapagtripan kase nga naman dahil may iilang nakilala sya kanina.Tumakbo na nga lang kame papunta sa bahay para walang masyadong makakilala sa kanya kanina eh.

Parang hindi rin ako babae sa lagay ngayon.Ako pa naghahatid.Pano din naman ako paguwe ko? Katwiran nya malapit lang daw naman bahay ko saka kilala nako dito at sanay nako.

Oo may point sya pero hello naman diba? Babae pa rin ako at anong oras na eh.

"Hatid moko." Seryosong sabe ko pa habang di pa sya nakakapasok ng kotse.

"Seryoso ka?" Nakacross arm pa sya habang paupong nakasandal sa kotse nya.

"Oo. Anong oras na oh? Pano kung mapano ko diba?"

"Baliw ka rin naman pala eh. Tapos ako din babalik magisa? Di dapat di nalang ako nagpahatid sayo dito diba kung ganon lang pala. Gaguhan lang yun eh. "Napatawa ko.

Kung tutuusin totoo naman talaga pero ngayon gusto kong ako naman manginis sa kanya.

"Eh! Basta. Di dapat kase di ka na nagpahatid."

"Teka nga lang hah?" Tapos unti unti na naman syang lumapit saken.

Pwede ba Llide iwasan mo na yung mga paganyan ganyan mo saken.

"Gusto mo pa siguro ko makasama no? Kunwari kapa ayaw akong ihatid tapos ngayon gusto mo ihatid uli kita?" Hah? Anong sinasabe nya?

"O-oy. Wag kang magassume noh. Natatakot lang ako." Bakit ako nauutal?

Damn.

"Eh bat ka nauutal?" Lalo pa syang lumapit saken at sakto rin kaseng natalikod ako mula sa kotse nya.

Kaya sa kotse na talaga ang urong ko at mukang dead end na.Titig na titig na naman sya saken.

"Natatakot ka? Kaya ba sakin palang ngayon,takot kana?"

Nagtindigan lahat ng balahibo ko sa boses nya. Parang mapangakit yung mga boses na yun na nanuot bigla sa kailaliman ng laman ko.

"Tabi nga!" Ginamit ko yung lakas ko para maitulak sya agad."Uwe nako! Bahala ka! Mabangga ka sana!"

Derederetso nakong naglakad palayo sa kanya pero narinig ko pa syang tumawa.

Kahit kelan talaga di ako manalo nalo sa kanya.

"See you sa lunes.. mamimiss kita!" Muka nya! 

Tumigil ako sa paglalakad.

Ano daw? Mamimiss ako? Nilingon ko uli sya at nakasakay na pala sa kotse pero nakatingin sakin saka nag bye bye.

Mamimiss pala ha? Mamimiss asarin.Grrrrr!

Kainis! Ako dapat ang mangiinis diba? Kelan ba ko mananalo sa kanya !

***

Hindi naman ako excited pero kanina pa ko nakaligo para umalis. May dadaanan pa kase ko. 2:37Pm na rin at 3 o'clock pa naman usapan namin na magkita.

Speaking of him,kanina pa kase text ng text kaya dinala ko na tong phone ko. Kahiya lang talaga ilabas to lalo pag may mga katabe akong naka-android phone.

'Bat ayaw mong sunduin kita?' Nangungulet na naman sya kagabe pa yan.

'Eh kase nga may dadaanan pako.' Sige papagpilitan mo pa talaga.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now