Fifty Four

22K 511 23
                                    


DOWNFALL

~ Chapter Fifty Three

(Play the multimedia while you're reading this)

"Bakit mo pa dinala yan dito?" Parehas kami ni Tracee ng marinig yun mula sa mga bibig nya.

Hindi galit,hindi rin natutuwa ng makita ako. Walang emosyon yung muka nya.

Mas bumigat ang dibdib ko.

Mas nahihirapan ang loob ko na makita syang ganito.

"Llide,ayusin nyo to." Tracee.

Kaya mo to Keith..

"Bakit ka nakikialam dito? Diba eto naman ang gusto mo?" Baling nya kay Tracee.

Bakit ganito sya ngayon?

Ganun na lang ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya?

Oo,aminado akomg naglihim ako sa kanya.

Pero bakit sa inaakto nya ngayon,parang huli na para patawarin at bigyan pa nya ko ng isa pang pagkakataon?

Maglalakad na sana palayo si Llide samin pero hinawakan ko agad yung braso nya.

Gusto ko pigilan yung nararamdaman ko pero diko kaya. Diko kayang ganito sya sakin ngayon.

Parang gusto ko magmakaawa na parang gusto kong maginiyak sa harapan nya.

Hindi para kaawaan nya kundi yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.

Sa hirap,gusto kong ilabas pero pilit kong nilalabanan.

"Please,magusap tayo?"

"Ah,Keith ge ha? Maiwan ko na kayo dito. Magusap kayo,ayusin nyo yan! Bye!" Saka tumakbo pababa ng hagdan si Tracee at iniwan na nga kami.

Hindi nya parin ako tinitignan.

Inalis naman nya yung kamay ko braso nya.

Dahilan para mas masaktan ako.

Na para bang nandidiri sya sakin.

Na parang ayaw na nyang hawakan ko pa sya.

"Sorry Llide kung diko sinabe sayo nung una palang. Humahanap lang ako ng tyempo. Natatakot lang ako,sana maintindihan moko.Hindi ko naman ginustong maglihim sayo eh."

Ang hirap magpigil ng emosyon.

Masakit sa mata,lalamunan at mabigat sa dibdib.

"Pinagmuka mo kong tanga Keith. Wala man lang akong kaalam alam.Hindi mo ginusto? Pero simula pa lang,nagpapangap kana."Cold lang na pagkakasabe nya.

Pakiramdam ko ayaw nya talaga akong kausapin.

Hindi ako sanay na ganito sya sakin.

Mas nasasaktan ako.

"Patawarin mo ko,sorry talaga Llide.Give me another chance please." Pakiramdam ko pagod nako.

Pagod nako magpaliwanag kahit wala pa naman talaga kong mapaliwanag na matino sa kanya.

Pagod na ang katawan ko sa mga nangyayare.

Pagod na ang utak ko kaiisip.

Tinitigan nya lang ako. Yung titig na parang walang pakialam?

Titig na parang hanggang kailaliman ng pagkatao ko,eh ganun kasama ang nagawa ko.

"Mas magaling ka palang artista kesa sakin. Dapat nagshowbiz ka nalang. Ano pa Keith? Gusto mo bang ipamanage kita kay Tito Phill? Sigurado mas sisikat ka.Grabe,yun lang ba talaga ang tinatago mo?Ano pang hindi ko alam? Kung magaling ka magpanggap malamang magaling ka din magpanggap na mahal mo ko."

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now