Twenty Nine

37.3K 797 42
                                    

ACQUAINTANCE PARTY.
( Long chapter )

~ Chapter Twenty Nine




Nandito na kame ni Kriza sa bahay nila Amber at hindi nakakapagtaka na nasa itsura din naman talaga ni Amber na mayaman talaga sila. Di ko lang inaasahan na sa isang exclusive subdivision pala sya nakatira.Bahay pa nila ang pinakamaliki dito.




"Amber,sarili mo na to?" Tanong ko naman.



Nasan kaya yung parents nya? Muka kaseng sya lang yung andito.


"Oo naman."Wow.Sarili lang nya talaga?



Sabay ngiti nya saka ako hinila sa room nya at nagsenyas naman kay Kriza na sumunod.

For sure namang nakapunta na rin dito si Kriza dahil mas una talaga silang nagkakilala at matagal ng magkaibigan.

Pagpasok ko sa kwarto nya eh napanganga lang ako. Puro kulay violet ang kulay ng kwarto at mga gamit nya pati wallpaper. Pero mukang pang babaeng babae parin.

Kaya pala sa labas o kahit sa cr eh may ibang gamit na puro violet. Good thing lang na hindi nya pinuro pero sa kwartong to ata nasobrahan.

"Hindi karin obsess sa Violet no?" Pangaasar ko pa ng inupo nya ko sa isang upuan sa tapat ng malaking salamin.

Napakadami ding nakadisplay na lahat pampaganda. Ako nalang ang aayusan nila at parehas na silang nakaayos pero dipa bihis.

Di na naman ako nabigla at sadya na silang maganda. Araw araw ko na rin naman silang nakikitang nakaayos.

"No wonder na mahilig din yang si Amber sa Talong. Hahaha!" Hagalpak naman si Kriza sa pagtawa.

Ayoko sana magisip ng iba pero dahil sa tawa nyang parang double meaning dumudumi yung utak ko.

"Hoy Kriza. Yung torta lang naman ah." Dispensa naman ni Amber.Yun naman pala.

"Oo. May itlog yun eh! Hahaha." Laglag yung panga ko.

Promise.Ako lang ata ang green minded saming tatlo ngayon.

"Stop it. We're here to do some make over." What? Make over??

"Di paba sapat yung sa mall kahapon?"

Pano kase kahapon pinalagyan nila ng konting shade at kulay yung buhok ko dahil maganda na to at straight na talaga di na kailangan ng rebond.Pinalagyan nalang ng treatment para mas lumambot at kumintab.

Tapos pina manicure and pedicure pako. Ewan ko ba kung bakit pa nila ko pinapaganda eh maganda nako. Haha! Joke lang naman.

"Ikaw na bahala sa buhok Kriza,ako na sa make up."

"Ayoko ng makapal na make up ha? Ayoko magmukang coloring book." Tapos bigla naman silang natigilan at nakamangot na nakatingin saken.

"No,I mean kahit yung sa inyo eh makapal bagay sa inyo. Maganda na kase talaga kayo." Ngiti ko naman sa kanila at tinuloy nalang nila yung ginagawa nila.

"Sus. Mambola daw ba? Mas maganda ka Be." Amber.

Bolahin din daw ba ako? Mas maganda sya. Wala namang top model na panget eh.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now