Thirty Four

32K 611 25
                                    

UNKNOWN GIRL

Chapter Thirty Four

~ Collide Hyun





Nakakatuwa talaga tong girlfriend ko.Ang cute kase magselos kanina.

Sya naman kase nagsabe sakin maging nice ako sa mga fans ko. Isa pa nagiging nice naman ako madalas,kaso nga lang ngayon mas natutuwa ako pag kasama ko sya na ganun. Yung muka kase nya imbalance,kahit wala syang sabihin ramdam na ramdam ko yung pagseselos nya.

Ganito pala yung pakiramdam na merong sayong taong naiinis kase ayaw na ayaw ka nyang mawala.

Hindi ko maexplain kung ano bang tawag sa ganitong pakiramdam.

Pero bilang lalake,hindi maalis sa utak ko kung ano na ba talaga ang percentage ng nararamdaman nya para saken. Hindi naman ako maghuhula o di rin naman ako nagsisigurado sa mga pinapakita nya.

Oo nararamdaman ko na parang mahal nya na rin naman ako. Parang?

Tss.Ngayon lang ako nagkagirlfriend kaya malay ko ba talaga,hindi naman kase kagaya nya yung ibang nakilala ko na masyadong obvious ang affection para saken. Yung halos tumili na at kulang na lang sambahin ako,hindi sya ganun ka-OA.

Isa sa dahilan kung bakit nakuha nya ang atensyon ko. Hindi sya kagaya ng iba na ilag sakin. Inaaway pa nga ako lagi nung una.

Akala ko nga di tumatalab ang kagwapuhan ko sa kanya eh.Yun pala sa huli babagsak din sakin pakipot pa haha.

Saka sya kase yung tipo na parang napakalihim o parang laging pigil lang ang mga kilos.Misteryosa sya kung susuruin mo at titignan ng maigi. Hindi mo mababasa agad ang mga kilos at mga tingin nya.

Gaya na nga lang nung araw na tinanong ko sya kung gusto nya rin ba ako. Hindi ko man lang alam kung nagsabe sya ng totoo o hindi.Kung hindi pa talaga sinabi ng mga kaibigan nya,hindi ko pa malalaman.

"May gusto akong itanong sayo kung okay lang?" Tinignan ko lang sya.

Nagdadalawang isip ako magtanong kase baka masyado ng personal pero may karapatan naman siguro kong malaman diba?

Isa pa,boyfriend nya ko.Gusto ko lang na mas makilala pa sya ng husto.

Pwede naman kasing habang kami saka kami lalong nagkakakilala diba?

Kase syempre may kasabihan lagi na bago sagutin o ligawan kilalanin munang mabuti.

Eh kaso di ako marunong manligaw. Wala naman sigurong kaso dun,ramdam ko namang iba na tama ko sa kanya. Wala ng duda dun.

"Okay sige ano yun?"

"Uh.Where is your father?" Parang bigla naman syang natigilan.

Kase naman kaya ako nacucurious eh simula noong nabisita ko sa kanila, diko pa nakikita yung Dad nya.

Hindi ko mabasa ang reaksyon nya.

Hindi sya sumasagot o parang walang balak sagutin ang tanong ko.

Nagmaneho lang ako at sinulyapan lang sya sa salamin na nasa taas ng ulo ko. Nakakagat pa sya sa labi habang nakatingin lang sa labas ng kotse.

Parang di nya alam kung anong isasagot nya sakin,ayoko naman sya pilitin kaya di ko nalang uli inulit sa kanya.

Baka kase patay na? May iba ng pamilya o galit sya sa Dad nya kaya ayaw nya pagusapan?

Haist. Curious lang talaga ko.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now