Thirty Seven

26.6K 547 12
                                    

HEARTACHE

Ilang minuto lang naman ang byinahe ko at nandito na kami.

Andito sya ngayon sa kwarto ko.

Ang himbing parin ng tulog nya. Akala mo wala syang mabigat na dinadala kung titignan ko sya.

For now,sa kabilang kwarto ako matutulog.Hindi naman ako kagaya ng ibang lalake na magsasamantala ng pagkakataon.

Ginagalang ko sya dahil may kapatid akong babae at syempre may Mom ako.

Hinding hindi ko gagawin ang ganung kalaking kahangalan.

Buti nalang nga wala pa si Daddy. Ako nalang ang magpapaliwang pag nakauwe na sya.

Kaso nagaalala ako sa kanya,malamang hinahanap na sya ng magulang nya.

Diko naman mabuksan yung phone nya dahil may password. Kaya wala akong maiitext para ipasabe sa nakakakilala sa kanya.

Pasaway talaga eh.

Buti na lang at hindi sya nagsuka dahil antok lang at konting hilo ang tama nun.

Kinumutan ko muna sya saka ako tumayo at saglit syang tinignan.

Kusa na lang akong napangiti.

"Sa lunes-malapit na." Bulong ko pa.


Hawak ko na sana yung door knob para buksan at lumabas na ng may marinig ako.

"Llide..bakit...bakit.." Liningon ko sya at nakitang may tumulong luha galing sa mga nakapikit nyang mga mata.


Pede palang maiyak ng tulog?

Ganon na lang ba talaga kasakit para sa kanya ang nangyare?

Hindi ko naintindihan masyado yung sinabe nya dahil mahina lang yung pagkakasabe nya.

Nananaginip siguro sya.

Nagkamali pala ako,hanggang pagtulog ramdam parin nya yung saket.Sana naman di sya bangungutin.



Saglit ko uli syang nilapitan.

I know this is wrong but I can't help it.

I dont know why-ugh.

Dahan dahan akong palapit ng palapit sa muka nya. At hinalikan sya-sa noo.

"Please-sweetdreams sana." Bulong ko habang hinahaplos yung buhok nya.

Ang amo amo ng muka nya habang tulog.

Lalabas na sana talaga uli ako ng magsalita uli sya.

"Llide.."

Muli akong napaharap sa kanya.

Tama ba ang narinig ko?


LLIDE? Sinong Llide?

Napailing ako sa biglang pumasok sa utak ko.

No-siguro naman mali ang iniisip ko.


Pero teka-HFA din napasok
itong si Keith.


"Damn!"Pabulong ko pa ng dahil sa pagkabigla.

Hindi kaya-pero-ewan!

Kailangan kong alamin kung tama talaga ang hinala ko.



Pero pano kung sya nga?



Sh*t! This can't be..











Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now