Thirty (Sweetest Effort 2)

40K 929 143
                                    

ACQUAINTANCE PART II

~ Chapter Thirty

(very long chapter)

Namalayan ko nalang si Llide na umupo na sa bangkong katabe ko habang hawak yung gitara at stand ng microphone na pinababa nya para tapat lang ng bibig nya para sa pagkanta.

Medyo inisod pa nya palayo yung bangko palayo sakin.

Anong pinapalabas nya ha!?

'OA kana rin Khei,di ba pwedeng di nya mahahawakan ng ayos yung gitara pag kalapit ka.'

Oo nga,sabi ko nga.

Nagsimula na ulit magpalakpakan lahat at maghiyawan. Sya naman di man lang ako tinitignan. Ano pabang ginagawa ko dito? Parang gusto ko talaga magwalk out kase magmumuka lang akong tanga dito.

Kaso kung gagawa rin ako ng eksena diba mas nakakahiya? Marami ring kilala at mataas sa HFA na bisita ang nandito kaya parang nahihiya ako gawin yun. Tyak paguusapan din ako at sasabihin na mang nagmamaganda ko.

Tinignan ko naman sya,mas gwumapo talaga sya. Ano kayang nangyare sa kanya sa Korea? Siguro sa maikling panahong yun nakalimutan na nyang gusto nya ko kaya di na talaga nya ko pinapansin. Siguro narealize nyang di nya talaga ko gusto.Na nauntog na sya at narealize nyang hindi pala kami bagay.

O kaya naman sa galit nya nga nakalimutan na nya ko kase iniisip nyang si Denver ang gusto ko at hindi sya.

Gusto kong bawiin yun sa kanya kaso umiiral ang pride ko. Lalabas na patay na patay ako sa kanya pag ginawa ko yun.

Para sa babaeng special sa kanya tong kakantahin nya tapos ako ang nandito.Dapat pinatawag nila si Wine hindi ako.

(Play the video on the side)

Nagsimula na syang magstrum ng gitara at alam na alam ko na intro palang.

Parang muling hinihigop ng musika na gawa nya ang puso ko.Relate na relate na nga ako sa kanta,paborito ko pa.

Alam nya kayang paborito ko ang kakantahin nya?

Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito.

Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pag-sinta.

Dun sa point na yun habang nag-gigitara sya eh bigla syang tumungin saken habang nakanta.

Kahit may mahinang kasabay na minus one eh mas rinig parin ng lahat yung pagtugtog nya ng gitara dahil sa speaker na nakakabit dito.

Para kong malulusaw sa mga tingin na yun. Malalaglag na nga siguro garter ng undies ko dahil sa nakakainlove na boses nya tapos tititigan pako ng ganito?

Baka wala sa oras mahimatay nako dahil sa kilig.

Pero oo nga pala.Hindi ako si 'Special Someone' nya.

Ba't di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo.

Bakit pakiramdam ko habang nakatitig sya sakin eh para sakin yung kanta?

Teka! Wag ka magilusyon Keith! Para sa babaeng special nga sa kanya diba?

'At ikaw yun' Pasaway na puso to .Manahimik ka!

'Wag kang umasa.Hindi ikaw yun' Isip isip ko.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now