Eight

46.4K 868 96
                                    


REUNION

~ Chapter Eight



Nakakapagod. Ang init at ang daming tao kanina sa mall. Pero buti nalang at tapos na kami dahil talagang nakakapagod. Nakaka-stress. Ang sakit sa ulo ng maiingay na hiyawan ng mga tao.

Yung magsayaw at kumanta sa harap ng maraming tao tapos magpayakap sa mga taong hindi mo kilala?Pagkatapos pipilitin mong ngumiti kahit wala ka na sa mood sa twing magpapapicture sila.

Nakakasawa lang.



Oo, nakakatuwa naman talaga sa una. Appreciated namin yun. Gaya namin, napagod din sila. Napagod at gumastos. Alam kong deserve nila na magperform kami ng ayos sa harap nila. Dahil kung hindi rin naman dahil sa kanila, wala kami sa kung nasaang sitwasyon man kami ngayon.




Kaso hanggang kailan kaya kami gagawa ng mga ganitong bagay? Lahat naman kasi talaga ng bagay hindi permanente at alam naming ngayon lang to kaya ineenjoy na nitong mga kasama ko.

Darating din daw yung araw na maglalakad nalang kami na wala ng gasinong nakakakilala samin.




Nakakalungkot isipin yon pero para sa‘kin hindi naman talaga ito masasabing career o trabaho eh. Darating yung araw na mas ipapriority parin namin yung pagaaral dahil yun pa rin ang magiging puhunan namin para sa mas matatag na trabaho pagtanda namin.


"Good job guys!" Masiglang bungad ss amin ni Tito Fill. Manager ng E5.

Nandito na kasi kami ngayon sa loob ng magarang malaki, magara at eleganteng Van na exclusive para sa amin lang.  Nagpapahinga muna sandali.

Si Tito Fill ang nakakabatang kapatid ng Daddy ko at dati ring sikat na artista kaya alam na nya yung mga galawang ganito. Alam na alam nya ang kalakaran rito kaya sya na rin ang kinuha naming manager. Pero hanggang ngayon parin naman eh nalabas parin sya sa TV kahit papaano.


"Pwede na ba kamong huminga?" Si Rinrin. Ano na namang katangahan pinagsasasabi nya.

"What?" Nagtatakang tanong naman ni Tito.

Hindi pa ba nya gets si Rinrin?

Hindi na sya nasanay eh. Kung iisipin naming maigi, ang gusto nya iparating eh parang pati paghinga namin kontrolado narin ni Tito. May pagka-istrikto din kasi talaga sya. Pero hindi naman namin sya Manager pagdating sa mga solong raket namin. Kumbaga pang Elite5 lang sya at yun lang yung usapan. Hindi sa mga solong career namin.


"Saang restaurant nyo gusto kumain ngayon? Sagot ko na." Sabi na lang ni Tito Fill at parang namilog lalo yung mata ni Rinrin. Katakawan talaga.

"Kahit saan! Basta libre ba eh!" Parang batang bulalas ni Rinrin. Basta talaga pagkain dyan sya magaling.



Napunta kami sa isang sikat na Japanese Restaurant dahil yun daw ang trip ni Tito Fill ngayon. Sana pala hindi na sya nagtanong kanina kung saan namin gusto di‘ba?


Pero kamalasan nga naman, nakamungot si Rinrin. Sa amin kasing lima, sya lang ang may ayaw ng mga Japanese foods.


Nasaan na yung excited na Rinrin kanina? Ayun. Busangot ang mukha. Haha!


"Ang harsh mo talaga kahit kelan sa‘kin." May pagpout pang nalalaman si Rin habang nagrereklamo kay Tito Fill. Pero tinawanan lang sya nito at nagpatuloy lang sa pagkain.

Kaming lima, tahimik nalang din na nakaim. May iilan pa ngang lumalapit para magpapicture pero ng makita ni Tito na hindi na kami makakain ng ayos, pinatigil nya na yung iba.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now