Thirty Six

28.3K 609 30
                                    

IS IT REALLY OVER?

Chapter Twenty Six






~ Denver Genevieve (Point of View)

Ayaw ko sana bumitaw ng pagkakayakap sa kanya pero kailangan.

Nasasaktan din ako na pero gagawin ko to para sa kanya.Para sa kapakapan nya—kahit malagay pa sa alanganin ang buhay ko.

Unti unti akong naglakad palayo saka ako ulit tumingin sa kanya nung medyo malaki na ang distansya ko sa kanya.

Sobra ko syang mamimiss—makita at makausap.

"Kilala kita Keith.Sana lang talaga may magagawa ako pero—nahuli ako. Patawarin moko."Alam kong di na nya narinig yun.

Iniwan ko sya dung magisa.Masaket pero kailangan ko tong gawin.

Lilipat nako ng ibang school.Para makalayo sa sakit—para iwasan ang bagay na dapat mangyayare.

Siguro kung di ako pumayag sa gusto nya,malamang hindi sana ako mas mahihirapan ng ganito.

Sana lang di ako lalong nahulog sa kanya ng sana di ako napakinabangan ng iba dahil sa pansarili nilang kagustuhan.

Mali ang manakit ng iba,pero iba rin ang sakit na nagagawa ng nakaraan—nakakamatay.

Mabilis akong nagmaneho ng motor. Biglang lumarawan sa utak ko ang muka nya. Ang muka at ibang katauhan nya..

*flashback


"Alalahanin mo Denver,utang na loob mo ito sakin.Gagawin mo to para sakin. Para makaganti ako—para maparanas sa kanya ang sakit na dinanas ko. Sya ang nagtamasa ng sarap at sisiguraduhin kong matatapos din ang lahat." Sabe nya habang kasalukuyan kaming magkatabi sa loob ng kwarto sa hide out namin.

"Ano pabang gusto mong gawin ko?" Tanong ko naman.

Labag sa loob ko. Pero wala akong magawa kundi ang sumunod.

Marahan nyang hinaplos ang buhok at balikat ko.

"Paibigin mo.Kung pwede lang wasakin mo."Nabigla ako sa gusto nyang mangyare.Hindi kaya ng konsensya ko gumawa ng ganoong bagay."Kagaya ng nangyare saken.Gawin mo sa kanya lahat ng napagdaanan ko. Sya ang may kasalanan neto. Kinuha nyang lahat ng dapat saken."

Mali. Ang paniniwalang yun ang pilit na lumalamon sa kanya—sa pagkatao nya.

Ang galit na dulot ng kasinungalingang pinapaniwalaan nya.

Wala akong magawa,hindi ko masabe sa kanya ang buong katotohanan.

Hindi sa takot ako sa kanila—sa kanya.Kundi takot ako para sa mga taong mahal ko sa buhay.

Ayaw ko silang madamay dito ,gulo ang pinasok ko.Hindi ko na alam san pako lalabas.

"Mahal mo naman ako diba?"Kahit anong pilit na pagpapaamo ng muka nya. Wala syang panama sa isang—wala syang panama pagdating sa malaanghel na muka NYA.

Tanging galit at karumihan ang nakikita ko sa pagkatao nya. Alam kong mali ang husgahan sya pero mali din ang gusto nyang ipagawa saken. Madaming masasaktan—magugulo lahat.

Mahal ko sya?Hell no.

Pero siguro oo,nung hindi ko pa alam ang totoo.

Nagkamali ako,hindi pala sya yon.Magkaiba sila,magkaibang magkaiba.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now