Forty Nine

22.6K 481 43
                                    

BITCH IN TOWN

Chapter Forty Nine

~ KRIZA IVALDEZ (Point of View)

Nasan na naman kaya yung babaeng yun!?

Kaninis to si Amber eh,ilang araw na kase kaming di masyadong nakakapagusap. At nakakahalata na rin akong iniiwasan nya si Keith.

Habang palinga linga namtaan ko naman sya sa may locker.

"Uy Amber!" Parang nabigla pa sya ng makita nya ko. "Sabay sabay naman tayo mamaya maglunch oh?"

"May gagawin pa kase ko mamaya eh." Umiwas pa sya ng tingin saka inayos yung gamit nya.

"Yan ka na naman sa alibi mo na yan eh,nakakahalata nako."

"Ha? Ano bang sinasabe mo?"

"Na iniiwasan mo si Keith." Natigilan naman sya sa pagsara ng locker nya. "Tama ako diba?" Saka sya humarap sakin ang ngumiti.

"Ofcourse not. Sige mamaya try ko,sasabay ako sa inyo." Napipilitan tsk.

"Wag mo itry,gawin mo. Nakakatampo kana eh."

"Sus,namiss mo lang ako sabihin mo." Kapal nya eh.

"Basta ha! Wait ka namin mamaya!" Pupunta na sana ako sa room ng tawagin nya ko.

"Wait Kriza!" Muli akong humarap sa kanya.

"Nabalitaan mo naba?" Seryosong tanong nya.

"Ha? Alin?"

"Break na sila Llide at Keith."

"Ano!!?" Ako tong laging kasama bat hindi ko alam? "Kelan pa!?"

Grabe—hindi ko alam yun ah!?

"Kagabe lang."

"Bakit daw nagbreak!?" Nakakabigla naman,parang kelan lang laging ang sweet nila ah?

"Linoko ni Keith. Nakita nila Llide at Paul si Keith sa bar,may kalandiang lalake. Nagmamarijuana pa.. " Parang mas lalo akong nagulantang sa nalaman ko.

Si Keith!? Seryoso!?

"Sigurado ka!? Pero hindi ganun si Keith Amber." Hindi. Hindi ako naniniwala!

"Oo,totoo yun. Pero alam nating di sya ganun." Totoo pero naniniwala din syang di ganun si Keith!? Ang gulo nun ah.

"Pano mo ba nalaman?"

"Kilala mo naman ako Kriza diba?" Tsk. Nakakatakot yung tono nya.

Oo kilalang kilala kita Amber..

"Ikaw ba Kriza.."Mas lumapit pa sya sakin,para namang nananakot eh tss.

"Hindi kaba nakukunsensya?" Bulong yun pero biglang kumabog ng mabilis yung dibdib ko.

No! Hindi! Kinalimutan ko na yun.

Alang alang sa kapatid ko kinalimutan ko na ang bagay na yun!

"T-teka? Anong kinalaman non dito?" Tanong ko naman sa kanya saka pa sya napasmirk.

"Malaki Kriza. Malaki ang kinalaman ko.. at ngayon.. may kinalaman ka na rin sa mga nangyare. Malaki na rin ang inambag mo sa gulong to.." Hindi—hindi ko maintindihan..

"Pano maging malaki yun? Saan ba ginamit yun? Hindi kita maintindihan Amber."

"Malamang sa masama. Tinakot ka,masama na yun diba? Kaya mas sa masama gagamitin yun." Parang mas natakot ako sa narinig ko sa kanya.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now