Twenty Two (Play)

37.8K 795 15
                                    

STOLEN KISS

~ Chapter Twenty Two

Pagkauwe ko at hanggang ngayon magkatext parin kame ni Xavier kase kinuha na rin nya yung number ko.

Kung ano anong topic lang napapagusapan eh.

Masaya ko na habang tumatagal dumadami na uli yung mga kaibigan ko. Nakakamiss din kase sa dati kong school kase marami akong kaibigan. Hindi mga namimili ng kaibigan at kahit simpleng mga bagay ang gawin eh ayos lang. Hindi gaya ng mga ibang mayayaman na masaya na sila sa pagshoshopping at pagbabar.

Lumipas na naman ang apat na araw at handa na rin lahat para sa play. Kame ni Llide eh okay na rin kahit sabihin kong talagang mahirap umarte na kasama sya.

Bakit mahirap? Kase naiilang parin talaga ko sa kanya,aminin ko man o hindi pero masyadong malakas yung hatak nya sakin.

Nahihiya ako dahil baka kase iniisip mya na ginusto ko na mahalikan nya ko nung gabe na yun kaya di ako pumalag agd.Which is di natuloy at buti na lang talaga.

Nakakadala pala yung mga ganung eksena.

Nakakainis lang pag nakikita ko kase sya.Yung dating o presence nya pag kaharap ko sya. Nung una palang naman aaminin kong nahatak nya ko nung nakanta palang sya ng unang kita ko sa kanya pero dahil nga sa ugali nya kaya napalitan ng inis.

Pero naiiba na naman ngayon,naiilang ako sa kanya kase di na nya ko masyadong inaasar tapos minsan di pa ko iniimik.

Kahit ba naiilang ako eh,gusto ko parin naman na walang mangyareng hindi na talaga magpansinan.

Pero nakakainis lang minsan kase kahit walang dahilan nagagalit sya basta basta saken. Di naman kame ganun kaclose pero pag di nya ko pinapansin parang naiinis din ako.

Alam mo yun? Ewan ko ba basta ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

"Oh magsiayos na kayo okay? Yung set ayos na ba?" Ngayon na yung play at medyo abala na rin si Ms.Hanna sa pagaayos samen pati ng mga isusuot namin.

Kinakabahan na rin ako kase manunuod lahat ng matataas pati mga sponsors ng HFA.At pati mga juniors and seniors kaya parang medyo pressured kami.

First time ko pang kasali sa play dito kaya medyo kabado ako na baka di sila masatisfied mamaya sa acting skills ko.

Ilang sandali pa simula ang eksena, sa eksena kung pano nagkakilala sila Fara at Lance.Magkaibang mundo ang ginagalawan ng dalawa,hikahos sa buhay si Fara habang si Lance naman eh galing sa marangyang pamilya.

Ganun pa man di yun naging hadlang para magkalapit ang dalawa. Hanggang sa dumating ang araw na magkalapit sila at nagkahulugan sa isat isa. Gaya ng isang cliche na kwento ng isang story eh ganun din yung nasulat ko pero marami lang ding ibang twist sa story at kakapulutan ng aral kung pano din mahalin ni Fara ang pamilya nya.Kung hanggang saan ang nakakaya nya para sa pamilya nya. Gagawin nya lahat kahit na ikakasakit nya basta maging ayos ang mga mahal nya sa buhay.

Naging maayos ang takbo ng play pero pag may mga sweet scenes gaya ng paghawak ng kamay ni Llide sa kamay ko tapos tititigan ako eh nagiging kakaiba na naman yung sistema ng katawan ko.

Pakiramdam ko nakukuryente ko sa twing hahawakan at titignan nya ko. Kahit umaarte lang kame kakaiba pala ang aura nya pag yung personality nya eh kagaya ng ginagampanan nya.

Mabaet,sweet at gentlemen.

Dumating na sa eksena na nasa hospital sya at yung napractice naming pinalayas ako ng Mommy nya. Ang nangyare kase eh di namin alam lahat na may taning na pala si Lance at sya lang ang nakakaalam.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now