Twenty Five

41.4K 928 48
                                    

CONFUSED

~ Colleen Sy Keith.

Teka.. wag mo sabihing type mo na si Llide?

Na si Llide talaga ang laman ng yong puso..

Sa tingin mo wala ba talagang pagasa sayo tropa namin?

The more you hate, the more you like..

Parang sirang plakang paulit ulit sa utak ko.





"Boo!"

"Ay palakang pink!" Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat."Ano ba Denver! Bat ka nanggugulat dyan?!" Haist panira ng moment eh.

Tatawa tawa naman syang lumapit saken habang nakaupo dito sa hagdan ng freshmens building. Dito kase bihira ang tao ngayon kase half day lang sila.

"Masyadong malalim kase iniisip mo kaya di mo napuna na may gwapong paparating." Saka ko aya tinignan na parang nandidiri sa sinabe nya saka sya tumawa.

Oo malalim talaga iniisip ko. Di ko alam kung bakit parang sirang plaka na paulit ulit sa utak ko yung mga sinabe nila kagabe.

Pinilit kong wag intindihin yung mga sinasabe nila pero naiinis ako kung bakit pinipilit ng utak kong ipaalala ng ipaalala sakin eh malabo naman yung binibintang nila saken.

"Bat ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Naramdaman lang ng puso kong nandito yung taong gusto ko."

"Pffft! Hahaha! Denver! Isa ka narin ba sa kalahi ni Rin?"

Teka? Ano daw?

"Huh? Bakit? Sinabe nya na rin yan sayo? Kaselos naman." Hala? Nagpout? Ang cute eh.

"Haha! Ang cute mo talaga."

"Talaga?" Parang biglang namula yung muka nya pagkasabi ko nun.

"May lagnat kaba Denver?" Sabay hawak ko sa leeg at noo nya."Wala ka namang lagnat eh bat namumula ka dyan?" Napakamot naman sya sa ulo na parang nahiya bigla. Masyado kaseng halata na namumula sya kase ang puti puti ng lalaking to eh.

"Buti nalang talaga.." Hinihintay ko naman yung kadugsong ng sinabe nya pero ngumiti lang sya."Maiba ko, tutor ka parin ba sa kapatid ni Llide?" Tinignan ko naman sya at nakatingin din sya sakin na parang masyadong big deal sa kanya yung isasagot ko.

"Hmm.. Oo."

"Ah.." Saka sya tatango tango.

"Sa totoo lang nahihirapan ako." Kahit di ako nakatingin sa kanya alam kong tinignan nya ulit ako mula sa pagkakatingin nya sa kung saan.

"Sa pagtuturo?"

"Hindi. Sa ginagawa ko." Hinihintay ko lang sya magtanong kase alam kong di nya ko magegets.

"Eh bat ginagawa mo padin kung nahihirapan kana? Nasa sayo din naman kase yan eh."

"Di ko ugaling wag tapusin ang nasimulan ko na."

"Pag ba natapos mo na ano sa tingin mo ang mangyayare?" Kung magsalita sya para namang alam nya nangyayare saken.

"Gusto ko lang malaman yung mga bagay bagay.May mga babaguhin lang ako."

"Tulad ng?"

"LAHAT." Tapos ngumiti lang sya na parang naiintindihan nya ko."Bakit?"

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now