Seventeen

39.9K 830 57
                                    

NOTE

~ Chapter Seventeen.


Ilang minuto rin akong nakahiga pero nakabihis nako para pumasok. Iniisip ko parin si Sheia. Ganun nalang kalaki yung epekto sakin ng mga yakap at tawa nya.

Yung ganung pakiramdam,hinahanap ko yung ganung pakiramdam. Gagawin ko talaga lahat mapasaya lang yung batang yun.

Sana talaga gumaling na sya at wag basta basta bibitaw para makita ko pa yung paglaki ng batang yun. Ilang beses ko palang nakakasama yung bata na yun pero malaki na agad yung epekto nya sakin.

Masyado nakong attached sa kanya kahit sabihing di ko talaga sya kapatid. Masaya ako na nakikitang may napapasaya akong bata. At kahit na naiinis ako kase nakikita ko rin si Llide kase dun din sya nakatira eh mas pinagtutuunan ko nalang ng pansin si Sheia.

"Khei,anong oras na baka malate kapa. Baka matraffic ka pa." Sigaw ni Nanay.

"Opo." Tumayo na agad ako para ayusin yung sarili ko at tumingin uli sa salamin.

Wala na ulit yung salamin at tali ko sa buhok,bumabalik na naman ata ko sa dati.

7'oclock palang bumyahe nako kahit 8 pa talaga start ng klase namin at 7:30 naman ang flag ceremony. Ang aga ng pasok namin diba?

Nakarating na rin ako sa wakas sa school.

Gaya ng dati pagkatapos magflag ceremony malamang deretso na kame agad ng room ni Kriza. Ako naman tamang basa lang ulit nung mga napagaralan namin para kahit di ako makapakinig ng ayos alam ko na. Ganun naman kase ako,di ako sobrang sipag magaral o tipong sobrang tutok pero pag may mga Quiz at Exam na talagang dun ako nagrereview.

May pagkatamad din naman talaga ko lalo pag nakikinig pero kahit di ako gasinong nakikinig ewan kung bakit napasok parin sa utak ko lalo pag babasahin ko na din ulit yung mga tinackle.

Busy na rin ako dahil sa play.Ilang araw na rin kame nagpapractice.

Half of our breaktime kelangan namin na magpractice para sa play. Kumpleto narin yung mga cast at napagusapan narin yung mga props na gagamitin. Maikli lang naman yung eksenang kinuha sa kwento ko para di masyadong matagal yung play.

Mga highlights lang at kame talaga ni Llide yung pinakamaraming scene kaya siguro kahit di magpractice ng masyado yung iba naming kasama eh okay lang.

Bakit ba kase ganun yung isinulat ko eh tsk.

"Okay ha? Yung scene na magkikita yung Mommy ni Lance at si Fara. Guys tabi muna kayo okay,yung bangko ilagay na dito." Utos naman ni Mam Hanna.

Sya rin kase ang nagsisilbeng parang director namin at tinutulungan talaga kame na maging maayos lahat.

Nandito kame sa mini stage sa loob ng lumang building dito sa HFA pero maayos pa naman. Pumwesto nako para kumatok sa pinto at nakahanda na rin si Llide na nakahiga na kunwari sa higaan na nasa hospital kuno.(Si LLide as Lance and Me as Fara.)

Mahirap ang actual play siguro kumpara sa mga gingawa ng mga artista. Syempre eto wala ng cut cut pag pinalabas na dapat saulo mo lahat ng script sa lahat ng eksena mo kase hindi putol putol. Habang sa mga shoot naman eh syempre ineedit na lang ang pagkakadugsong dugsong ng mga eksena ng kinunan nung ibang araw.

Nakatayo na si Ms.Hanna sa harapan ni Llide habang natutulog ito. Special participation kase yung gagawin nya,sya yung gaganap na Mommy ni Lance sa kwento.

"Okay Keith." Tumango naman ako saka umakto na parang kakatok na.

Yung sound effects pa nung mga kasama namin parang ewan lang eh. Imbis na magiipon ako ng emotion ko gusto kong matawa.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt