Twenty Eight

39.3K 779 82
                                    

MISSING YOU

Chapter Twenty Eight ..

~ Colleen Sy Keith (point of view)

AN:

Wag kayo malilito kase palitan hoh ng point of view/ nagkekwento dito. Mahaba kase dahil may dinugsong ako. Ty.



Do you feel the same thing??'

'Do you feel the same thing??'

OO LLIDE..Parehas lang tayo.

Do you feel the same thing??

Do you feel the same thing??

Pero bakit ka nagsinungaling sakin? The same thing? May girlfriend ka pala tapos itatanong mo yun sakin?

Anong panggagago yun!?








Gusto ko nalang biyakin yung ulo ko. Pagkatapos ng gabeng yon,naramdaman kong nagsinungaling na naman ako.

Ang pinakamasakit na kasinungalingang nasabe ko sa buong buhay ko. Kahit di ako sigurado kung anong nararamdaman ko,ramdam na ramdam kong nasaktan ako sa kaunaunahang pagkakataon ng dahil sa ibang tao.

Nasaktan ako at ganun pala ang pakiramdam pag nagsinungaling naman ng matindi sayo ang isang tao.Na ikaw naman ang sinabihan ng hindi totoo?

Karma ko na ba talaga to??

Martes na.

Dalawang araw na mula nung umalis na si Sheia at Llide. Yun na yung huli naming pagkikita at wala nakong balita.

Ang alam ko sa friday na ang Acquaintance at hursday ang balik nya sa hapon. Nakakapanibago na kahit nung napasok sya kahit di kame gasinong magkasundo eh parang hinahanap sya ng mata ko.

Dalawang araw na syang di na pasok,kamusta na kaya sya dun?

Haist! Bat nga ba ko nagiisip? Bakit ko iniisip yung gago na yun! Eto namang utak ko walang ginawa kundi magisip ng magisip! Sana mawalan nalang ako ng isip kahit minsan eh tsk.

Nandito na naman ako ngayon sa coffee shop sa labas ng campus dahil inexcuse naman ako ni Tita Amanda at lunch break din naman. Nagtataka pa nga ko kung bakit nya ko gustong makausap.

Hindi naman nagtagal yung paghahantay ko at nakita ko na si Tita na papasok ng coffe shop.Nakashades pa sya at casual na nakasabit sa balikat ang shoulder bag nya.

Isang linggon nya lang akita na kaagad nya ko kaya tumayo naman agad ako habang papalapit sya. Paglapit nagbesohan naman agad kame tanda ng pagbati.Sabay naman agad kameng umupo.

"Tita kamusta na po?" Ngiti ko pa.

"Okay naman Khei. Tumawag si Sheia,miss ka na daw nya ah."

"Oo nga po eh,nagmessages po sya via facebook." Wala eh,matalinong bata nag facebook na rin kahit ang bata bata pa.

"Daig pa talaga ko ng anak ko eh." Saka sya tatawatawa."Actually hindi yun ang dahilan kung bakit gusto kita makausap." Kinakabahan naman ako,tungkol naman kaya saan?

Huminga naman sya ng malalim at ako naghahantay lang sa sasabihin nya.

"Gusto mo ba ang anak ko?"

Napaawang lang yung bibig ko.

Hindi ko inexpect yung tanong na yon kaya parang napanganga pako.Lalo tuloy akong kinabahan.

Ano bang isasagot ko? Wala akong isasagot dahil ayokong kasinungalingan na naman ang masabe ko imbis na totoo.

Complicated With A Kiss Stealer (Completed) | ELITES Where stories live. Discover now