"Uuwi na ba tayo?" Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang s'ya sa dinadaanan namin habang nakangiti.

"Hindi pa." Saan naman kaya kami pupunta? Sa lugar kung saan maraming babae? Eh tae pala s'ya eh.

  

Mga 10 minutes na kaming naglalakad at saka lang s'ya tumigil. Ang sakit na ng tuhod ko ha! Akala n'ya kung sino s'yang makahila! Eh a-ano lang naman s'ya---asawa ko lang!!!

"Tara?"

"Huh?" Napatingin ako sa harapan namin. "Flower shop?! Anong gaga---"

"Basta halika na." Hindi na ako nakapagsalita dahil hinila n'ya na ko papasok. Maraming magagandang bulaklak ang nakita namin pero nagtataka pa rin ako kung bakit nandito kami.

"Ano bang gagawi---"

"Pili ka ng bulaklak."

"Ha? Para saan?"

"Basta pumili ka. Isipin mo yung taong pagbibigyan mo n'yon, napakahalaga sa'yo."

Nawiwirduhan ako sa kanya pero sumunod pa rin ako. Inisip ko si dad at ang gusto kong ibigay sa kanya ay...

"Ito." Tinuro ko yung sunflowers. "Ito kasi yung paborito ng dad ko."

"Perfect. Paborito n'ya rin ito." Medyo nawiwirduhan na talaga ako sa sanasabi n'ya pero 'di na ako nagtanong. "Pili ka pa ng isa. Yung pinakagusto mo."

"Para saan ba kasi?" At bakit ako pa talaga ang pinapapili n'ya?!

"Basta."

"Tss." Pumili ako ng bulaklak at pinili ko yung red roses. "Ito ang gusto ko."

"Okay." Tumingin s'ya dun sa babaeng mga nasa 40-45 age. "Pabili po ako ng tig-isang boquet ng sunflower at red roses."

Kinuha naman nung tindera yung mga bulaklak at inabot ito kay Grey. "400 pesos yan."

"Uhmm..Wait lang po." Tumingin s'ya sa'kin. "Honey pakikuha naman yung wallet ko sa bulsa. Dalawa kasi ang hawak ko eh."

Kinuha ko naman agad sa bulsa n'ya yung wallet n'ya. Pagbuklat ko, sumalubong saakin ang picture ko.

Paano s'ya nagkaroon nito?

"Hiningi ko 'yan kay Mae." Nakangiti n'yang sinabi.

"Naku, yung babaeng 'yun talaga!" Napapailing na lang ako habang nakangiti ng konti.

Kumuha ako ng 500 dun at inabot sa tindera.

"Keep the change po. Tara na honey!" Muli na naman akong nagulat sa sinabi ni Grey. Lumabas na s'ya at ako naman napasunod na lang.

Ang Manyak kong AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon