"Ang kinis kasi! Hahaha!"

Kinuha ko yung pinakamalaki kong unan at ipinaltok sa kanya. "Napakamanyak mo!!!" Naiinis na 'ko! Baka maaga akong mamatay dahil sa lalaking 'to!

"Hahaha!" Pagkatapos n'yon, bigla s'yang tumingin ng seryoso. "Kailangan mong magbayad sa'kin dahil sa ginawa mo kanina."

Naalala ko yung ginawa ko kanina. Ang sakit nga siguro n'yon. "S-sorry. 'Di ko naman sinasadya eh. A-at tsaka kasalanan mo din naman 'yon eh!"

"Sorry is not enough." Ah ganun?

"Eh ano palang gusto mo?!"

Tumingin s'ya sa katawan ko. "Your body."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya "Bakit ba ang bastos mo?! Makapagluto na nga lang!" Umalis na 'ko dun. Pumunta ako sa kitchen at naghanap ng mga ingredients para sa iluluto ko. "Nasaan na ba yung itlog?!"

"Ako meron, gusto mo?" Hindi ko namalayan na sumunod pala sa'kin si Grey.

"Tss! May silbi ka pala eh!" Inilahad ko yung palad ko. "Oh penge nga ng dalawa." Nanatili lang s'yang nakatayo doon pero nakangiti. "Nasaan na?!"

Nginuso n'ya naman yung parte ng katawan n'ya na nasa ibabang bahagi. Nagets ko naman kung anong sinasabi n'ya!

Kumuha ako ng sandok at ipinaltok ko sa kanya. "Hayop ka talaga! Bastos!" Nakakainis! Nakailag s'ya!

"Hahaha!"

"Peste talaga!" Naghanap na lang ako ng ibang pagkain na pwedeng iluto. "H'wag mong sabihing nganganga ka lang dyan?!"

"Uhmm.. Ano bang gagawin ko?"

Napairap ako paitaas. "Kumuha ka na lang ng dalawang plato pati na rin baso at tsaka maghanda ka na rin ng pitsel na may lamang tubig!"

"Okay." Lumapit naman s'ya sa kinaroroonan ko. Malapit lang din kasi yung lagayan ng plato sa'kin. Kumuha s'ya ng isang plato pero hindi ko alam kung sinadya n'ya bang mahawakan yung pwet ko nung pag-alis n'ya.

Hindi ko na lang 'yon pinansin. Baka naman kasi hindi n'ya iyon sinasadya.

"Hoy bakit isang plato lang?! Ikaw lang ba ang kakain ha?!"

"Ah akala ko hindi ka na kakain." Inosente n'yang sinabi. Mukha s'yang ewan!

"Grabe! Hiyang-hiya naman akong ipagluto ka!"

"Haha! Sorry naman!" Lumapit ulit s'ya sakin at kumuha pa ng isang plato pero nangyari na naman.

"Sinasadya mo ba talagang hawakan ang pwet ko?!"

"Huh? Wala akong ginagawa." Inilagay n'ya naman dun sa lamesa yung isa pang plato.

"Tss!" Medyo malapit na 'kong matapos sa niluluto ko. "Kailangan pa bang sabihin sa'yo isa-isa?!"

"Huh? Ano na naman 'yon?"

Napaface palm ako. "Kakain ka gamit ang plato lang?!"

"Ay oo nga noh?" Alam ko namang sinasadya n'ya lang akong asarin. Kumuha na s'ya ng mga kutsara at tinidor pati na rin ng mga baso pero parang naramdaman kong inamoy n'ya ko. Hindi ko lang nakita kasi nakafocus 'yung atensyon ko dun sa niluluto ko.

"Inaamoy mo ba 'ko?!"

"Huh? Hindi ah."

"Tss! Ihanda mo na nga lang yung pitsel!"

"Okay." Lumapit ulit s'ya sa kinaroroonan ko at doon na 'ko nagtaka.

"Anong kukuhanin mo?"

"Pitsel di'ba?"

"So bakit dito?!"

Mukha namang napansin n'yang wala doon yung pitsel. "O-oo nga noh? N-nasaan ba yung ref?"

"Ayun lang po!" Tinuro ko yung ref.

"Tss, sayang!" Mahina n'yang sinabi kaya hindi ko narinig. Ano kaya 'yun?

Ang Manyak kong AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon