Agad naman akong pumunta sa mga bata upang makipaglaro, ilang minuto napagpasyahan namin na ang lalaruin namin ay
habulan at ako ang magiging taya.

Iginuhit muna namin ang mga lugar na kung saan ay pwede at hindi pwedeng tumakbo. Pagkatapos non ay ilang minuto kaming namahinga upang maghanda.

Nagsimula na silang tumakbo at sinumulan ko na rin ang paghahabol nang umabot ang kmnay ko sa isang braso ng bata, bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at ang kasunod nito ang dahang-dahang pagitim ng aking paligid. Hanggat sa wala na akong makita kundi ang batang kaharap ko.

Habang tumatagal ay humihigpit ang kamay ko, pero hindibko ito gusto.

"Bitawan mo na ako Mona, nahuli mo na ako."

Pagmamakaawang sabi ng bata pero hindi ko ito sinunod.

Bigla akong sumigaw ng pagkalakas-lakas na ikinagulat ng batang nasa harapan ko at ng lahat ng nasa parke napatakbo sila sa akin para tignan.

Ang naabutan nila ay isang batang babaeng kulay itim ang mga mata at matindi ang pagkakapit ng kamay sa braso ng batang lalaki.

Maya-maya pa ay nagsimula akong nagsalita,

"Andy Scale, mamatay ka bukas ng hapon sa bahay niyo mismo. Masusunog ang bahay niyo at hindi ka makakalabas. Huli ng darating ang mga magulang mo at sunog na bangkay ka na lang ang maabutan nila!" Hindi ko namalayan na lumabas na pala ang mga salitang iyon sa aking bibig.

Nakita ko ang takot sa mukha ni Andy, ng kanyang magulang at lahat ng naroon. Ngayon ko lang napansin na namakat na ang kamay ko sa kanyang braso sa higpit ng pagkakahawak ko.

Napaatras ako dahil sa gulat at takot, nakita ko ang galit sa mata ng ina ni Andy, agad akong tumakbo kay Ms. Lucy, umiiyak.

"Wala akong kasalanan, hinawakan ko lang siya tapos hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga salita na sinabi ko. Hindi ko alam." Pagtangis kong sinabi kay Ms. Lucy agad niya akong niyakap at nagmadali ng umalis sa parke. Nakita ko na umiiyak pa rin si Andy at galit parin silang lahat sa akin.

Napatahan lang ako ng dumating na kami sa bahay.

"Huwag kang matakot, kaya mong makita ang hinarap Mona. Kapangyarihan mo ito." Paliwanag ni Ms. Lucy.

"Hinaharap? Hinaharap kung kailan sila mamatay. Ayoko ng ganun, ayokong nakikita kung paano sila mamamatay." Sabi ko sakanya. Nakita ko sa mata niya ang mga pangamba.

Pagkatapos kong sabihin yun, tumakbo na ako agad sa kwarto upang makapahinga. Humiga ako at di ko na napigilan oang umiyak, hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako.

Ayoko na sanang sumapit oaaang umaga baka magkatotoo ang sinabi ko kay Andy. Sa hindi inaasahang pangyayari hindi nga nagkatotoo!

Namatay si Andy ng umaga dahil sa isang sunog, umaga hindi hapon. Nanghina naman ako ng marinig ko ang mga balitang iyon.

Ilang oras lang nakalipas ng makarinig kami ng malakas na kalampag sa aming pintuan, pagkabukas namin ng pinto ay ang ina ni Andy, luhaan at galit.

"Nasan na yang mamatay na bata na iyan!" Galit na sigaw niya.

"Wala kang karapatang pumasok dito sa bahay ko at magsisigaw." Sabi ni Ms. Lucy.

"Ilabas mo na ang pumatay sa anak ko!" Sigaw niya.

"Pumatay? Namatay ang anak mo dahil sa isang aksidente! Nasunog siya tapos sinong pinagbibintangan mo si Mona?! Sinabi lang niya kung ano ang nakita niya, kapangyarihan niya iyon." Matigas na pagpapaliwanag na sabi ni Ms. Lucy.

CamelliaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ