Chapter 74

365 17 8
                                    

Dulcinea's POV 

"Natutulog ka sa kwarto ni Daddy?" Biglang tanong ni Zavie.

Nandito kami sa ibabaw ng kama niya't nagpapasuklay ng buhok bago matulog.

May times palang nakikita niyang naglabas-masok ako sa kwarto ng daddy nila. Kung maari kasi ay gumigising t talaga ako ng maaga para maiwasang magtanong sila, pero ito na nga...

Hindi ako sumagot kaagad. Nag-iisip ako ng pwede kong idahilan.

Nilingon niya ako, kaya itinigil ko ang pagsusuklay ng buhok niya.

She estimated my facial expression. Siguradong magtatanong uli siya kapag sinabi kong "oo".

Nang ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot ay inunahan na niya ako.

Ngumiti siya. "Uhm. Please tell Daddy that we want to watch a movie this weekend. Hindi kasi namin siya naabutan sa paggising at pagtulog namin, but we know he's just busy, so of course we understand him." Malamlam niyang boses, kaya hinaplos ko ang likod ng ulo niya, saka ako tumango.

Nang makatulog na siya ay, saka ulit ako bumaba.

Napabuga ako ng hangin. Ilang gabi pa ba siyang magiging ganito? Ni hindi na nga naaabutan ng mga bata ang bulto niyang nandito sa bahay. Gigising silang nakaalis na ang siya, matutulog uli silang wala pa siya.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganyan pero pati mga batang walang kaalam-alam nakakahalata na.

Napahilot ako ng sintido at naupo ulit sa couch.

Ilang oras pa nga ang nakalipas nang marinig kong dumating na siya, kaya mabilis kong inihakbang ang mga paa ko papunta sa pintuan.

Pagkabukas ko ay bigla akong dinapuhan ng kakaibang pakiramdam.

Hindi ako naka-imik. Nanatiling nasa door knob ang kamay kong papahigpit na.

Umakyat yata ang init ng katawan ko sa mukha.

Nasa harapan siya ngayon ng pintuan habang nakaangkla ang braso niya sa balikat ni Devina.

Lumunok akong pinigilang magpakain sa emosyon.

"Pa-sok." Mahina't pa-utal kong sabi.

Hirap nga niyang inalalayan si Zac papasok ng bahay.

Saka ko naman mabigat na isinara ang pintuan, pagkatapos ay inikot ko ang katawan kong sinundan sila ng tinging papaakyat ng hagdan.

Nag-iinit ag gilid ng mga mata kong ilang beses na huminga ng malalim.

Iwinawaksi ko ang pag-iisip na kung bakit magkasama sila ng ganitong dis-oras na ng gabi.

Umiling-iling akong naglakad para habulin sila.

I was speechless when I reached Zac's other side. Hinawakan ko ang wrist niya at itinaas para maidantay ang isa pa niyang braso sa balikat ko.

Nakapikit itong nakayuko dahil sa sobrang kalasingan.

Pumasok kami ng kwarto at sabay namin siyang ipinahiga.

When Devina was about to remove Zac's shoes, I immediately spoke. "Ako na ang gagawa niyan mamaya."

Kaya tumigil siya at tumayo ng tuwid, pagkatapos ay lumingon siya sa akin.

Mahihimigan sa pustura niya ang konting inis. "Pwede ba tayong mag-usap?" Seryoso nitong tono.

Kaya tumango naman ako, saka kami lumabas ng kwarto.

Hinarap niya akong muli at ang isang hindi ko inaasahang pangyayari kasabay ng paglingon niya...

Pak!

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon