Chapter 57

407 21 2
                                    

Third Person POV

After 5 years...

"Daddy!" Rinig ni Yasir ang pagtawag sakanya ng prinsesa niya, kaya itinigil nito ang ginagawa at lumabas ng kitchen.

Ngumiti siya nang agad na tumakbo si Zavie at yinakap ang hita niya. "Look, daddy, I have five stars in both hands." Nakangiti at malambing niyang pambungad sa ama, habang itinataas ang dalawang kamay.

Yumuko naman si Yasir habang nakangiti sa anak, saka hinawakan ang magkabilaan nitong maliliit na kamay at hinalikan. "Wow, you're doing a great job for Daddy, huh?" Masuyo niyang boses, saka hinaplos ang gilid ng ulo ni Zavie at gumalaw para mahalikan ang malambot na pisngi nito.

"Zavler, go to your dad and show him the stars you got, baby." Devina's soft voice then released Zavler's hand.

Bumaling naman si Zac kay Zavler at inistretch ang isang braso para palapitin ang prinsipe niya. "Come, son. Tingnan nga ni Daddy ang nakuha ng baby boy ko." Pag-anyaya niya kay Zavler.

Lumapit naman ito sa ama. "I only got four stars, Daddy." Mahina't malungkot niyang saad.

Nanatiling nakangiti si Zac habang pinapasandahanan ang expression ni Zavler. Palagi itong nakayuko kapag kinakausap siya dahil siguro ang akala niya ay hindi magiging proud ang Daddy nila sakanya.

Hinawakan ni Zac ang kamay ni Zavler at hinalikan. "Daddy is so proud of you, son." Saka hinalikan ang anak sa sintido. "So, smile na. Did Daddy tell you to always smile?  Para maging magkamukha tayo palagi diba?" Pabiro niyang sabi sa anak.

Zavler looked up and nodded as his lips slowly curled into a smile.

"I told that to him, daddy. I said na gusto ng mga baby girls ang baby boys na laging nakangiti." Zavie's stated.

Kaya napabaling ulit ang tingin sakanya ni Zac at pinaningkitan ng mga mata. "Where did you learn such words, baby? Has anyone been courting my princess?"  Nangunot ang kilay ni Zac.

Nagpigil ng ngiti si Zavie at mabilis na umiling sa ama.

Nagtaas ng kilay si Zac. "You're just only 5 years old, baby, so boyfriends are not allowed. Maybe when you're 30 or 40 years old, it'll be fine for me, okay?" Problemado niyang boses.

Lumapit si Devina. "30-40? Baka hindi ka na magka-apo niyan kay Zavie." Ngiting pagsisingit niya.

Himingang malalim si Zac, saka binalingan ulit ang mga anak na nasa bisig niya. "Go to your room na." Malamlam niyang boses.

Tumango naman ang mga anak, saka sila sabay na umakyat ng hagdan. "Kids, be careful..." Paalala niya sa mga ito, kaya naman inalalayan na ni Zavler si Zavie sa pag-akyat.

Mas matangkad kasi si Zavler kumpara kay Zavie.

Nung nakaraang linggo lang nagsimula ang school days nila at laging hatid sundo sila ni Zac sa school dahil ayaw niyang kumuha ng personal body guard, gusto kasi nitong siya ang tumutok at mag-asikaso sa mga anak kahit sobrang busy nito sa hospital.

"Sana hindi ka na nag-abala, I was going to pick them up earlier, kaso dinaanan mo na pala sila. By the way, thanks." Sabi ni Zac kay Devina.

"Hmn, saka wala naman na akong ginagawa kanina kaya naisipan ko silang isabay at para hindi na rin double-double ang pagod mo. Alam ko namang oras-oras ay hindi natatapos ang mga tinatrabaho mo." Sagot ni Devina, saka iginalaw ang kaliwang kamay papunta sa braso ni Zac at tipid na ngumiti. "Zac, hindi mo naman kailangang pagurin ang sarili mo araw-araw, nandito naman ako-" Hindi niya naituloy.

"Sumabay ka na sa'min mamaya sa dinner." Simpleng sabi ni Zac, saka inabot ang kanyang batok at magaang hinimas. "Also, the papers that I will have you take care of, just pick them up later when you get home." Pagsalisi ni Zac sa gustong sabihin ni Devina.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now