Chapter 50

396 18 2
                                    

Dulcinea's POV

Napahinto ako nang bumungad ang likudan ni Ate Feb na nasa counter ng kitchen, kaya lumihis ako ang paghakbang nang hindi niya napapansin. Nagtungo ako sa sidewall, pinakatitigan ko ang bawat paggalaw niya. Isinasalin nito ang ulam sa malaking mangkok para sa dinner mamaya.

Dalawang linggo, sa mga nagdaang mga araw na iyon ay maayos ang lahat, okay ang serbisyo niya, hindi siya pumapalya sa pagtulong sa'kin at nagpakita ito ng kabaitan. Pero nung isang araw, bumaba ako around 12 o'clock ng madaling araw dahil nauuhaw ako. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan nang marinig ko ang lagapak niya. Patay na ang lahat ng ilaw nung gabing iyon at tanging ilaw lang sa labas ang nanatiling bukas.

Nakita ko siyang lumabas ng bahay, kaya nagtaka ako at napababa ako ng hagdan. Sinilip ko siya kung saan ang gagawian niya at lumabas siya diretso ng gate...

I was restless that night, so I went upstairs again and went to Zac's office room, where I opened his laptop connected to the CCTV cameras. Hinintay ko talaga ang pagbabalik niya sa mga oras na iyon. Ilang minuto bago siya bumalik, luminga-linga pa ito na para bang sinisigurado niyang hindi kami nagising.

Kaya hindi na napanatag ang loob ko simula nung gabing iyon. Lagi kong binabantayan ang bawat kinikilos niya dahil alam kong may itinatago ito.

I stopped thinking when she grabbed something from the pocket of her uniform, and my eyes narrowed when I saw that it was wrapped in a small plastic.

Ilang saglit siyang nahinto. Tangka na sana niyang ilalagay ang laman ng plastic na iyon nang magkunwari akong kararating lang.

Tumikhim ako at umaktong walang nakita.

Mabilis at maingat ang pag-alarma niyang isinukbit ulit iyon, saka itinabingi ang mukha niya. "Hmn, ma'am, luto na po pala ang ulam. Tatawagin ko na sana kayo para sabihing kakain..." Magaan niyang sabi.

Ngumiti ako. "Mukhang masarap ah, nasa bungad palang ako ay amoy na amoy ko na." Masiglang usal ko, saka lumapit pa at kunyaring sinisipat ang ulam. Bumaling ako sakanya ng nakangiti ng matamis. "Anong inilagay mo rito?" Agad kong tanong na nagpatigil sakanya.

Ang tagal niyang sumagot pero umaakto parin siya ng normal. Ang galing...

Napatawa ako at hinaplos ang braso niya. "Diba nga, hindi ako marunong sa kusina." Ani ko.

Ngumiti naman siya at tumango-tango. "Madali lang po itong lutuhin ma'am, hayaan mo sa susunod tuturuan kita." Sagot niya kaya tumango naman ako.

"Sige, para naman matuwa sa'kin ang asawa ko." Bulalas ko, saka tinapik ang balikat niya.

Maya-maya pa ay iniwan na niya ako rito sa kusina.

Pinanood ko siyang malingat, kaya nung mawala na siya sa paningin ko ay binalingan ko ang ulam. Siguradong safe itong kainin mamaya dahil hindi naman niya naituloy ang binabalak.

Nang matapos na kaming kumain...

Tag-isa naming pinatulog ni Zac ang mga anak namin. Nang makatulog sila ay saka naman ako inaya ng asawa ko para matulog na.

Hindi ko alam kung bakit... Kahit pumikit ako ay hindi ako hinihila ng antok, kaya nanatili akong nakamulat habanggang sa maramdaman kong tulog na tulog na si Zac na nakayakap sa'kin mula sa likuran.

I glanced at the clock; it was almost midnight.

Kusa kong iniangat ng maingat ang kamay ni Zac saka ako dahan-dahang bumaba ng kama.

I was about to step out of the room when I turned to my husband. I don't know why I suddenly felt strange.

Nilapitan ko siya at yumuko para halikan ang noo at labi niya, saka hinaplos ng magaan ang buhok nito, pagakatapos ay humakbang ako papunta sa mga anak namin.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now