Chapter 67

319 20 1
                                    

Thalythia's POV

"Hindi mo ba siya nakasamang lumabas kanina, baby?" Pagtatanong ko kay Zavler habang hawak ang kamay niya.

Naglalakad kami ngayon para hagilapin si Zavie dahil uwian na nila. Busy kasi si Sir Zac kaya nagprisinta na akong ako na ang susundo sa kanila ngayon.

Ayaw pa niya nung una dahil baka maibangga ko raw sa daan ang kotse't mapahamak lang kami lalo na ang mga bata, pero sinigurado ko naman sakanyang kaya ko at marunong naman talaga akong magdrive. Kaya napapayag rin siya, wala siyang magagawa dahil nasa hospital pa siya kaninang pag-alis ko ng bahay. Tinawagan ko lang talaga siya sa phone dahil uwian na ng mga bata't fifteen minutes na ang nakalipas ay hindi pa niya nasusundo ang mga chikiting.

"Nauna po siyang lumabas kanina, Teacher." Sagot niya.

I looked all over the place, at nahinto nga ang paningin ko sa dalawang batang babaeng mukhang nagkakainitan, isa na roon si Zavie.

Napabuga ako ng hangin. Nandiyan ka lang palang bata ka, kanina pa kami paikot-ikot.

I was alarmed when the little girl suddenly pushed Zavie. Kitang-kita ko kung paano kumibot ng mukha niya dahil siguradong nasaktan ito sa pagkakatulak sakanya.

Kaya agad akong humakbang habang hila si Zavler.

Mas binilisan ko pa nang gumalaw si Zavie at bumawi ng pagtulak sa batang babae, na mas malakas iyon kumpara sa ginawa sakanya.

"Zavie!" Pagkuha ko ng atensiyon niya.

Lumingon siya sa'kin habang nakasimangot.

Napatingin ako sa batang babaeng nakasalampak sa sahig nang bigla itong ngumawa sa pag-iyak.

Binitiwan ko ang kamay ni Zavler at agad na dinaluhan ang batang babae.

Sinapo ko ito pagkatapos ay bumaling ako kay Zavie na ngayon ay namumula na ang ilong dahil sa pagbabadya ng luha. Kaya minabuti ko nalang na ibalik ang tingin sa batang umiiyak para sana patahanin. "Shh, stop crying-" Hindi ko naituloy nang iwinaksi nito ang paghawak ko sakanya at agad na bumangon.

"Isusumbong ko kayo kay Mommy ko!" Matinis niyang sigaw pagkatapos ay tumakbo itong walang tigil sa pag-iyak.

Napapikit akong huminga ng malalim ng dalawang beses.

"Siya ang nauna!" Pigil ang pag-iyak na boses ni Zavie, kaya umikot ako at humarap sakanya.

Pinantayan ko siya. Tinantiya ko ang paghawak sa kanya. "I know, but-"

Lumamlam ang pustura ko nang nagsipaglaglagan ang mga luha niyang nakatingin sa'kin. "You know, but you choose to approach her over me!" Iyak niyang ani.

I shook my head quickly while caressing her arm and cheek.

What have I done? Iniisip ba niyang sa pag-alo ko sa batang iyon ay siya na ang naunang nanulak? Pero hindi ganun ang gusto kong palabasin, inaalala ko lang siya dahil baka isipin ng ibang nasa paligid na siya ang nambubully dahil iyong bata kanina ang nakasalampak sa sahig habang malakas na umiiyak.

"Hoi!" Malakas na boses mula sa likuran, kaya tumayo ako at binalingan kung sino iyon.

Galit na galit ang isang babaeng papalapit sa pwesto namin.

Napatingin ako sa batang babaeng hila niyang matalas na ang tingin sa amin.

Talagang nagsumbong nga...

So I tilted my head to catch a glimpse of Zavler and Zavie, iginalaw ko ang kaliwang kamay ko para masenyasan silang pumagilid muna at sigurado akong gagawa ng palabas ang babaeng ito.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now